MALOLOS—Ipinagbunyi ng mga Bulakenyo ang panalo ng bagong halal na gubernador na si Wilhelmino “Willy” Sy-Alvarado sa makasaysayang halalang isinagawa noong Lunes, Mayo 10.
Kahit hindi dumating sa Capitol Gymnasium noong gabi ng Miyerkoles, Mayo 12, si Willy ay iprinoklama ng Provincial Board of Canvassers (PBOC) na binubuo nina Atty. Sabino Mejarito, ang provincial election supervisor ng Bulacan, Fiscal Alfredo Geronimo, at Dr. Edna Zerrudo, ang division superintendent ng Bulacan.
Si Willy at ang katambal na si Daniel Fernando ay kapwa hindi dumalo sa proklamasyon dahil sa diumano’y banta sa seguridad dahil ilang oras bago isagawa ang proklamasyon sa kanila ay may tumawag sa kapitolyo na may nakatanim na bomba sa gusali ng kapitolyo na katabi lang ng capitol gymnasium.
“Congratulations,” ito ang paulit-ulit na isinulat ng mga Bulakenyong sumubaybay sa Mabuhay Newspaper sa Facebook.com bilang pagbati kay Willy.
Ang Mabuhay ay isa sa mga partner newspaper ng Punto Central Luzon.
Libo-libong mga Bulakenyo ang sumubaybay sa pahina ng Mabuhay sa Facebook.com bago pa man isagawa ang kauna-unahang automated election sa bansa.
Lalo pang umigting ang pagsubaybay ng mga Bulakenyo sa pahina ng Mabuhay sa Facebook.com simula noong gabi ng Mayo 10 kung kailan natapos ang bilangan ng mga boto sa 1,927 clustered precinct sa Bulacan.
Ito ay dahil sa nag-aabang sila ng resulta ng halalan, partikular na sa mga sinuportahan nilang kandidato.
Bilang tugon, kahit madaling araw na ng Martes, Mayo 11 ay pinilit ng Mabuhay na maihatid sa mga Bulakenyo ang inisyal na resulta ng halalan na nakuha mula sa website ng Kapisanan ng Broadcaster sa Pilipinas (KBP).
Ang KBP ay isa sa mga organisasyon na kinilala ng batas sa halalan na mabigyan ng isang sipi ng resulta ng halalan na ipahahatid mula sa mga presinto sa pamamagitan ng electronic transmission.
Kinilala naman ng KBP ang Philippine Press Institute (PPI), ang samahan ng mga pahayagan sa bansa at binigyan ng karapatan na makuha ang kopya ng resulta ng halalan sa kanilang website.
Ang Mabuhay, katulad ng Punto Central Luzon ay isang aktibong kasapi ng PPI.
Noon pa lamang ng gabi ng Mayo 10, ay marami ng taga-subaybay ang nagtatanong sa Mabuhay kung ano ang resulta ng halalan.
Higit pa silang sumigla ng matungahayan ang inisyal na resulta ng halalan na ibinahagi ng KBP sa PPI at Mabuhay, at nagsipapahayag agad ng kanilang saloobin dahil sa lamang agad si Willy kay dating Gob. Josie Dela Cruz.
“Sana wag nang makahabol at makagawa ng milagro..panalo na Gov. Willy Alvarado,” ani Nerie Macale-Del Pilar.
Hindi naman ikinagalak ng mga tagasuporta ni Dela Cruz ang inisyal na resulta ng halalan.
Ngunit “nagdilang anghel” si Macale Del Pilar dahil patuloy na lumobo ang lamang ni Willy kay Dela Cruz, hanggang sa matapos ang pagbilang ng PBOC sa mga boto sa buong lalawigan.
Ang resulta, umabot sa 533,527 ang naipong boto ni Willy o 41,059 na kalamangan sa naipong boto ni Dela Cruz na 492,468.
“Congratulations, Gov. Willy and Vice-Gov. Daniel….buti na lang automated tayo kasi kung manual di (kayo) lulusot,” ani Rally Fuentes ng Plaridel.
Inayunan naman ito ni Albert Dumlao ng Malolos na nagsabing, “kung manual yan, laki ng lamang ni Josie.”
Bukod sa kanilang pagbubunyi, marami din sa mga sumubaybay sa pahina ng Mabuhay sa Facebook.com ang nagpasalamat.
“Mga kapatid sa Mabuhay Newspaper—maraming-maraming salamat po sa inyo. Kahanga-hanga ang paglilingkod sa ating mga kababayan—saludo po ako sa inyo,” ani ng isang nagpakilalang “Kiko” na namamahala sa pahina ng Balagtas, Bulacan sa Facebook.com.
Halos ganito rin ang naging mensahe ni Lanie Salamat ng kanyang sabihin na “Salamat po sa updates…and glad to see the leading candidates.”
Ang Mabuhay Newspaper sa Facebook.com ay nilikha noong Nobyembre 22 bilang paghahanda sa isinagawang automated elections at pagtugon sa pangangailangan sa impormasyon ng dumaraming Bulakenyo sa gumagamit sa internet.
Ito ay bunga rin ng payo ng pamunuan ng PPI sa mga kasaping pahayagan sa humanap ng paraan upang makasabay sa paghahatid ng balita ang mga lingguhang pahayagan sa mga himpilan ng radyo ay telebisyon, at pang-araw-araw na pahayagan.
Dahil libre ang paggawa ng pahina sa Facebook.com, nalikha ang Mabuhay Newspaper doon sa paggabay ng punong patnugot ng pahayagang Mabuhay na si Jose L. Pavia.
Ang pahayagang Mabuhay ay unang inilathala sa Bulacan noong Enero 20, 1980 pangunguna nina Pavia, Perfecto Raymundo, at yumaong Get Galang.