Napabayaan nga ba o sadyang ginawa ng mga opisyal ng bayan at lalawigan ang mga rescuers mula sa PNP-SAF, Philippine Coast Guard, Navy, Army, SBMA at Olongapo City Rescue Team na tumulong sa rescue operation para ilikas ang mga residenteng biktima ng pagbaha sa Botolan, Zambales.
Batay sa nasaksihan ng CASTIGADOR sa hirap na dinanas ng mga rescuers, wala man lamang dumamay na mga local na opisyal at napabayaan ang mga ito.
Sa madaling salita ni tubig na siyang dapat pamatid uhaw ng mga rescuers ay wala man lamang naka-ala-ala sa kanila. Sa pagtulong sa kanilang mga kababayan hindi nag-aalmusal ang mga rescue team ay nakababad na sila sa tubig at wala man lamang umaalok sa kanila na mag-amusal, habang ang ilan naman lokal na opisya ay nasa evacuation center at panay ang pa-POGI sa mga inilikas na residente na biktima ng pag-baha.
Ganyan kagagaling ang mga local na opisyal ng Zambales? Inuuna at ginagamit na ang kalamidad sa pamumulitika dahil sa nalalapit na 2009 election.
Sabagay hindi lang mga pulitiko ang gumawa niyan, may grupo ng isang organisasyon sa Olongapo City na ginawang PICNIC GROUND ang kahabaan ng National Highway sa Barangay Carael, doon nagkunan ng LITRATO para may masabing may naitulong sa mga biktima ng kalamidad at doon na sila kumain.
Sinabi ng isang pulis sa CASTIGADOR may mga dala silang mga RELIEF GOODS na ipamimigay sa mga evacuees at pilit na ipinatatawid sa kabilang ibayo kung saan nakikita naman ng mga ito na sira ang kalsada, samantalang dinaanan na nila ang BOCAO at PORAC evacuation center kung saan pwedeng ipamigay yung kanilang dalang relief goods o di kaya’y ipamigay doon sa mga pasaherong stranded na nakapila sa pagka-haba-haba para makatawid sa pamamagitan ng pagsakay sa RUBBER BOAT makauwi lang sa kanilang mga bahay.
Ang labis din aniya na nakapagtataka nung dumating sa nasabing lugar ang mga ito kontodo mga naka-BLINGKER ang kanilang mga sinasakyan na tila ba ang dating mga VIP’s na basta na lamang ibinalagbag sa kalsada ang kanilang mga sasakyan.
Ganyan sila kagagaling. Knock, knock, who’s there? Ito po sila. Sabi pa nga ng naka-usap kong pulis, ang titibay nila ayaw ko ng ganyan!!!
Kilala na po ninyo siguro ang mga ito? Dahil sa kagagawan ng iilan, may nadadamay, kawawa naman!
Mabuti naman may ginintuang puso mula sa hanay ng PNP, ang ZAMBALES CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION TEAM sa pamumuno ni Chief Inspector Rogelio Peñones, Jr., ng makita nito ang hirap ng mga PNP rescuers ay nagpadala ito ng tubig at biscuit para may makain.
MABUHAY ka sir! Sana tularan ito ng iba. TULONG muna kasi, bago pa POGI.