Panaginip ni Yeng

    682
    0
    SHARE

    “Gobernadora for life.”  Ganito ipinakilala ni Vice Governor Yeng Guiao si Governor Lilia Pineda sa mga kasapi ng Kambilan, ang panlalawigang partido pulitikal na itinatag ng gobernadora, bago ang kanilang oath-taking noong Lunes.

    Biro man yan o seryosong pahayag, ang dating ay nanawagan si VG Yeng sa mga kasapi ng Kambilan na gawing permanenteng gobernadora si Governor Pineda.

    Nangilabot ako lalo na’t ika-40 taong anibersaryo ng pagdeklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ng batas militar. Taliwas sa demokrasya na manatili sa puwesto nang matagal ang isang lider, kahit pa magaling siya.

    Hindi rin makakatulong sa gobernadora ang ganyang pahayag ni VG Yeng dahil hindi naman nagpapakita o tahasang nagpapahayag si Ginang Pineda na ganyan ang kanyang aspirasyon sa buhay.

    VG Yeng, sana nagwi-wishful thinking ka lang.

    q q q

    Kumpirmado na ang Pineda-Pineda tandem sa 2013, gaya nang isinulat ko sa column na ito. Ang tanong: Kaya ba ni Dennis, kilala rin sa palayaw na Delta, na magbigay ng check and balance sa administrasyon ng kanyang ina?

    Hindi yan ang papel na gustong gawin ni Dennis. Sa panayam noong Lunes, sinabi ni Dennis na tutulong siya sa mga programa ng gobernadora at sa mga legislative agenda ng mga sangguniang pambayan at panlunsod. In short, hindi siya magiging watchdog.

    q q q

    Pagkatapos ng launch ng Kambilan, nag-circulate na ang text messages na inihahalintulad ang mga Pineda sa mga Ampatuan.

    Walang batayan yan dahil wala pang masaker o corruption cases na iniugnay o isinisi sa mga Pineda.

    Ang pinagmumulan ng takot nila ay ang lumalaking political clout ng mga Pineda dahil apat na sa kanila, kabilang si Lubao Mayor Mylyn Cayabyab at Sta. Rita Mayor Yolanda Pineda, ang nasa pulitika.

    q q q

    Malinaw pa sa sikat ng araw na may lamat na ang alyansa ng mga Pineda at Hizon.

    Si Buddy Dungca at Vice Mayor Jun Canlas ang piniling kandidato ng Kambilan, hindi si Mayor Jomar Hizon at ang ina niyang si Mrs. Lolita Hizon. Bakit hindi kumikibo ang mag-ina?

    q q q

    Salamat sa 150 na Iskolar ng Bayan na nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas, maitatayo na ang Oblation sa UP Diliman Extension Program in Pampanga (UPDEPP) sa permanente nitong campus sa Clark Freeport.

    Bawat isa ay nag-ambag ng P10,000 para makalikom ng P1.5 million para maitayo ang Oblation bago magbukas ang panibagong semestre sa June 2013.

    Ang Oblation, orihinal na iniukit ni Guillermo Tolentino, ay simbolo ng UP. Ang imahe ay nagpapahayag ng pag-aalay ng sarili sa bayan. Ang Oblation sa UPDEPP ay gagawin ni Dr. Grace Javier Alfonso.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here