Pampanga lugar ng mga magagandang beauty queens

    759
    0
    SHARE

    Dami na pala ng mga Pampanguenang naging Mutya Ng Pilipinas simula nung 1995. Bale lima na sila and that just goes to prove na talagang lugar ng mga beauty queens ang probinsya ng Pampanga.

    Kahit sa mga Bb. Pilipinas at Miss World, sagana ang probinsya, bukod pa sa maraming modelong galing din sa Pampanga.

    Even the conteseras na madalas manalo sa mga pageants at iba pang searches ay galing sa probinsyang ito.

    Noong 1995, tinanghal na Mutya ng Pilipinas ang ngayon ay konsehala ng Angeles City na si Maricel Morales.

    Naging artista rin ito and in fact nakapag-asawa ng isang aktor pero sa malas di naman nagtagal ang kanilang pagsasama.

    Although, single mom, itinataguyod niya ang kanyang mga anak. Meron siyang mga business concerns and still moontlights as part-time actress.

    When we last interviewed Maricel, she was full of hope na mapatatapos niya ng pag-aaral ang mga anak niya.

    “Lahat po ng mga ginagawa ko sa ngayon ay para sa kanila.

    Kaya naman nagpupunyagi rin si Maricel sa larangan ng Pampanga politics.

    Sa Angeles City, very popular si Maricel sa taguring Marang. Yes, she is well-loved at lahat ng mga tinataggap niyang popularidad ngayon ay galling sa kanyang koronang Mutya Ng Pilipinas 1995.

    In 1999, another Kapampangan beauty was crowned Mutya Ng Pilipinas. Siya ay Ritchie Ocampo na ngayon nasa private sector na.

    Other past Mutya na galing sa Pampanga ay si Darlene Carbungco who was once linked to the ex-governor of Pampanga na si Mark Lapid. Hindi sila nagkatulyan pero nagging memorable ang kanilang naging relasyon.

    Natatandaan naming noon, maraming kuwento ang pamilya Lapid, including Mark’s maternal grandma tungkol kay Darlene.

    At siyempre, si Marilen Maristela na isa sa mga pinakamagandang naging Mutya.

    And in connection with this item, gusto po naming paunlakan ang request ng aming kaibigang si Mr. Avel Antonio ng SM Pampanga sa kanyang request na sumuporta kami sa Mutya Ng Central Luzon search na kasalukuyang ginaganap sa ngayon.

    The search aims to identify qualified beauties from the region na siyan isasalang sa national contest na NCR.

    On July 6 po, gaganapin sa Grand Ballroom ng Grand Lewis Hotel in Angeles City ang pageant night at doon pipiliin ang mga isasali sa national contest.

    Sa June 29 ang pictorial at puwede pang humabol ang iba pang hopefuls.

     Ms. Jacqueline Tan President, Mutya ng Pilipinas, Inc. sa search sa Central Luzon at si Renee Salud ang Exec. Director for National Pageant.

    Ito ay panawagan sa mga talent scouts na may mga hawak na modelo o kaya mga magagandang babae na nangangarap na maging beauty queens.

    Maari pong makakuha ng mga detalye sa pamamagitan ng pagtawag sa COFRAGIA’s sa mga numerong 090157273061 o 09228937152. Puwede rin sa POWER AFFAIRS sa numerong 09175108561.
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here