Home Headlines PAMPANGA GIANT LANTERNS NAIBUSLO ANG KAMPEYONATO SA 2023 MPBL NATIONAL FINALS KONTRA...

PAMPANGA GIANT LANTERNS NAIBUSLO ANG KAMPEYONATO SA 2023 MPBL NATIONAL FINALS KONTRA BACOOR STRIKERS

599
0
SHARE
Masayang tinanggap ng Pampanga Giant Lanterns ang kanilang tropeo kasama si Governor Dennis G. Pineda, head coach at Congressman Aurelio Dong Gonzales kasama ang mga players matapos talunin ang Bacoor Strikers sa 2023 MPBL National Finals na ginanap sa Bacoor City.
Bacoor City, Cavite – Sa gitna na mainit na labanan, hindi nagpatinag ang Pampanga Giant Lanterns na maibuslo ang kampeonato sa Game 3 ng 2023 Maharlika Pilipinas Basketball League National Finals Fifth Season kontra Bacoor Strikers sa iskor na 82-77 sa best-of-five series na ginanap noong Disyembre 2.

Sa press conference, inihayag ni Governor Dennis Delta Pineda o Coach Delta ang kahalagahan ng dasal ng mga Kapampangan at puso ng mga manlalaro.

“Huwag kayong susuko hanggang sa ika-4 na quarter,” Basta dikit ang laban at lumamang tayo sa 4th quarter, sa atin ang labang ito.” Ito anya ang mariing ipinaabot ni Coach Delta sa kanyang mga players.
Ang mensaheng ito ni Coach Delta ang nagbigay ng tapang sa mga manlalaro sa pangunguna ni Encho Serrano na nagbuslo ng labing anim (16) na puntos sa second half na pinalakas pa ng 18 puntos ni Archie Concepcion at 13 puntos ni Reyson Cruz at ipinakita rin ng Pampanga Giant Lanterns ang kanilang pagkakaisa at teamwork sa laro.
Masayang binati ng mga alkalde ng Pampanga si Governor Dennis G. Pineda sa nakamit na kampeonato ng Pampanga Giant Lanterns kasama si Board Member Mylyn Pineda Cayabyab at iba pa.
Ang bagong MVP na si Justine Baltazar ay nagtala naman ng kanyang 11 puntos at 19 rebounds, na nag pakita rin ng puso at tapang na alay niya sa mga Kapampangang manonood. Ang iba pang players tulad ni MJ Garcia ay nagpakita ng 9 puntos. Si Allen Liwag na may 4 puntos at 11 rebounds ay nag-ambag rin ng mahalagang bahagi sa tagumpay ng Pampanga.
Kinilala ni Governor Pineda ang matindi nilang kalaban na Bacoor Strikers, partikular na ang Game 3 kung saan binigyan sila ng matinding laban. “Ang totoo ninerbiyos ako ngayong Game 3 subalit sabi ko laban lang at kailangang dikit lang ang laban hanggang sa huli para masiguro ang panalo. Sa akin, dasal lang at at tapang ng puso lang ng mga manlalaro ang nagdala sa aming tagumpay,” ani Coach Pineda.
Mangiyak-ngiyak na nagyakapan ang magkapatid na Governor Dennis Delta Pineda at Board Member Mylyn Pineda Cayabyab matapos na maibuslo ng Pampanga Giant Lanterns kontra Bacoor Strikers sa ginanap ng MPBL National Finals
Kahit sa magiting na determinasyon ng Bacoor Strikers na pinangunahan nina Jhan Nermal (20 puntos), James Kwekuteye (15 puntos), at Jhaymo Eguilos (11 puntos, 8 rebounds), hindi nila nakuha ang panalo maging sa Game 3. Matatandaang nilampaso rin sila ng Pampanga Giant Lantern sa Game 1 at 2 MPBL Finals na ginanap sa Bren Z. Guiao Convention Center kamakailan.
Masaya namang ipinagkaloob ni MPBL Founder at CEO Manny Pacquiao ang tropeo na sumimbolo ng kahusayan ng Pampanga bilang ika-limang kampeon sa kasaysayan ng liga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here