Home Headlines Pampanga Giant Lanterns 2-0 lead sa MPBL championship, Baltazar tinanghal na MVP

Pampanga Giant Lanterns 2-0 lead sa MPBL championship, Baltazar tinanghal na MVP

532
0
SHARE
Mismong si MPBL founder and CEO former Sen. Manny Pacquiao ang nag-award ng MVP ball kay Justine Baltazar bago sinimulan ang game 2 nitong Martes. Photo Courtesy MPBL

LUNGSOD NG SAN FERNANDO — Muling nanalo ang Pampanga Giant Lanterns kontra Bacoor City Strikers sa Game 2 ng best-of-five series ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) nitong Martes ng gabi sa Bren Z. Guiao Convention Center.
Bagamat naging dikit ang laban ay nanalo pa rin ang Pampanga Giant Lanterns sa score na 68-65 laban sa Bacoor City Strikers na nagpakita naman ng mahigpit na depensa.

Dahil dito ay nasa 2-0 lead na ang Pampanga at isang panalo na lang ang kailangan para masungkit nila ang tropeo ng National Championship ng MPBL Season 5.

Gaganapin naman sa Sabado ang game 3 ng nasabing best-of-five series sa Strike Gymnasium in Bacoor City.

Samantala, si Justine Baltazar ng Pampanga Giant Lanterns ang tinanghal na Most Valuable Player Season 5 ng MPBL.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here