Home Opinion Pampamahalaang gusali, palpak ang pagkayari

Pampamahalaang gusali, palpak ang pagkayari

895
0
SHARE

NITONG nakaraang Biyernes, beynte uno
ng kasalukuyang buwan ng Pebrero,
kung saan ako ay may inasikaso
sa bagong Hall of Justice ng San Fernando
dito sa Pampanga, napagtuunan ko
ng pansin, ang klaseng pagkagawa nito.

Sa unang palapag pa lang ng gusali,
makikita ang tiles, na kundi man bali,
yan di nakadikit at nagkandausli;
sanhi marahil ng ito’y minadali
ng mga nakabit na baka ni hindi
tunay na mason ang talagang yumari.

Sa madaling sabi, ang gusaling ito
ay maituturing na dispalinghado
ang pagkagawa ng kabuuoan nito;
at d’yan contractor at saka Inhinyero
ang ating marapat habulin siguro
sa palpak na pagkagawa ng proyekto.

Ang concrete wall nito may mga bitak na,
tanda ng posibleng ang semento, graba
at buhanging ginamit sa palitada,
baka di akma sa standard na timpla;
maliban sa under size itong bakal na
inilagay kaya may kahinaan ba?

Sa puntong naturan ya’y maituturing
na palpak ang pagkagawa nitong ating
bagong Hall of Justice na kailangan nating
sa gumawa n’yan ay agad iparating;
nang sa gayon ito ay kanyang ayusin,
maliban sa siya’y ating pagmultahin.

At si Mayor EdSa ng siyudad ang siyang
dapat umobliga sa kontratista n’yan
upang ayusin ang gusaling naturan,
ng naaayon sa tamang kalakaran;
na solong gastos ng second party bilang
sa ‘usual contract of labor and materials’.

Kung saan bagama’t si Congressman Oca
ang sa gusaling ‘yan ang siyang nagpagawa,
aywan lang kung puede pa siyang pumagitna
sa usapin ngayong siya’y hindi na nga
Congressman o Mayor, (na wala ng bisa
ang anumang naging tungkulin sa bansa)

Pero mas maigi’ as First Party bilang
ang ating ‘Ex-City Mayor turned Congressman,
sa kasunduang kapwa sinangayonan
nila nitong Second Party, kung puede siyang
tumayo ‘as witness’ kung kinakailangan,
base sa ‘Rules of Court’ na pina-iiral.

Subali’t kung sadyang kailangan talaga
na makasuhan at dapat na magmulta
itong contractor ay sa kamay ni EdSa
nakasalalay ang kahantungan niya;
(At tunay naman ding ngayon ay siya na
ang Alkalde ng San Fernando, Pampanga).

Sa puntong ito ay ninanais nating
kay Mayor Santiago agad maiparating
ang naturang bagay na kapansin-pansin,
pero ni isa man yata r’yan sa ating
‘Members of the bar of justice’ ay hindi rin
n’yan napagtuunan ng matamang pansin?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here