KAPAG TINATANONG si Matteo Guidicelli kung anong relasyon meron sila ni Sarah Geronimo, tahimik lang ang aktor dahil ayaw daw nitong magkaroon ng mga alingasngas na naggagamitan sila or something to that effect.
And to this, very thankful si Sarah at aniya, siya rin naman daw ay ayaw niya na magkaroon ng ganu’ng intriga sa pagitan nila.
“May mga taong nagsasabing I’m using him, so ayaw na ayaw namin dumating sa ganun’g konklusyon ang mga tao, pero wala, eh, talagang wala kang kontrol sa mga iniisip ng ibang tao, ’di ba? “So, maganda, maayos na wala naman kaming sinasabi na kahit ano na ayun, hanggang doon na lang po muna,” sabi ni Sarah G.
Pero ayon sa Pop Princess, naiintindihan naman daw niya kung lagi siyang tinatanong about her personal life.
“Kasi siyempre, people are excited to see me, you know, experience love. ’Yung totoong klase ng pag-ibig, kasi, nasa tamang edad na rin po naman ako, 25, at normal naman talaga na ma-in-love ka or magka-boyfriend ka, ’di ba? Dadaan naman talaga tayo diyan sa buhay ng lalaki o sa buhay ng babae.
“Naiintindihan ko, pero gusto ko pong maging maingat talaga, eh. At sabi ko nga, hindi naman forever po itong itatago. Pero hindi rin kailangang i-broadcast na broken-hearted ako, in-love ako, sinaktan niya ako, niloko niya ako, ’yung mga ganu’n.
“Parang hindi maganda, eh. The past 10 years, ganu’n ’yung nangyari sa akin, so, ’yun lang po ang iniiwasan namin,” she said. Pero totoo bang boto ang ina niyang si Mommy Divine kay Matteo?
“Ah ’yun ang hindi ko masasabi. Kasi, magiging boto lang naman ang nanay kapag siguro, pinayagan na niya ang anak niya na magpakasal, ’pag hinayaan na niyang mapunta sa lalaki ’yung anak niya.”
May balita ring fi rst time raw na bumoto si Mommy Divine sa mga lalaking nauugnay kay Sarah at ganu’n din umano sa parte ni Matteo na ngayon lang din daw ito naging pabor sa mga babaeng nali-link kay Matteo. To this ay maikli lang ang nasabi ni Sarah.
“Titingnan po natin. Hindi ko pa rin alam ’yan, eh. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ’yan,” natatawa niyang sabi. Sa ngayon ay busy ang Pop Princess sa paghahanda para sa 10th anniversary concert niya na Perfect 10 na gaganapin sa Nov. 15 sa Araneta Coliseum at Nov. 30 sa Mall of Asia Arena.
Inanunsyo na rin niyang may season 2 ang The Voice PH kung saan ay isa pa rin siya sa mga coaches.