Home Headlines Pamilya ng OFWs na susundo sa CRK dapat bigyan ng travel pass

Pamilya ng OFWs na susundo sa CRK dapat bigyan ng travel pass

973
0
SHARE

 

LUNGSOD NG SAN FERNANDO — Dapat na mabigyan ng travel pass ang pamilya ng mga OFWs na lumalapag sa Clark International Airport upang maiwasan na ma-stranded ang mga ito sa paliparan habang inaapela naman na dumaan sa 14-day quarantine ang mga foreigners na bagong dating doon.

Ayon kay Gov. Dennis Delta Pineda, sa tamang koordinasyon ay maari nilang bigyan ng travel pass ang kahit isang kaanak ng OFW na lumapag sa CRKpara ito ay agad na masundo pabalik ng kanilang mga probinsiya.

Mula kasi sa paliparan ay inihahatid hanggang bus terminal ang mga OFWs ngunit hindi na nakakauwi ng mga probinsiya dahil nahaharang sa mga checkpoints ang sundo ng mga ito.

Apela din ni Pineda na malimitahan na ang pagdating ng mga foreigners doon kasunod ng enhanced community quarantine na pinatupad sa NAIA.

Kung hindi pa rin maiiwasan ay dapat na manatili muna ang mga ito sa loob ng Clark ng hanggang 14 na araw para masiguro na walang sakit ang mga ito.

Hindi muna aniya dapat na makalabas ng Clark ang mga foreigners at magche-checkin sa mga hotels sa Pampanga dahil hindi na nila ito mamomonitor.

Dahil dito ay ikinasa na sa Huwebes ang pagpupulong sa pagitan ng Kapitolyo, Clark Development Corp., Clark International Airport Cor., at Luzon International Premier Airport Development Corp. na siyang nag-ooperate at manage ng CRK, para matalakay ang kahilingan nila Pineda na malimitahan at mabantayan ang pagdating doon ng mga foreigners.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here