At kung mayroon man na gaya ng isa
na binaligtad ang ‘findings’ ng kapwa niya
legal officer ay nakapagdududa
na i-‘reverse’ nga ang napakalinaw na
recommendation ng isa pang kagaya
ni Macalino kung walang kontrabida?
Na tulad ni Ariel na kampon ni Cusi,
kaya ang ‘result’ ng Report na nasabi,
ng Legal Officer ng DAR na si HENRY.
na nag-‘Decide’ pabor sa inyong ‘yours truly,’
at karapat-dapat na ‘beneficiary’
sa rimatado na nagka-letse-letse!
Gayong kumpleto ang mga dokumento
laban sa mag-ina riyan na manloloko,
na si Felicitas at ang anak mismo
nilang si Grace ang siyang naglagay siguro
ng pakimkim kaya hindi duretso,
na kagaya nga ng nalagyan siguro.
Pero akong ito’y lubos nananalig
na katotohanan itong mananaig
sa usaping ako ang nasa matuwid
at marapat na ‘fair and impartial justice’
ang siyang mangibabaw at hindi sa ‘culprit’
na kagaya nga r’ yan nitong ating ‘subject’.
Kung saan sa loob nga ng nakalipas
ng tatlong dekada sila’ng nagpasarap
at nakibang sa isinangla’t sukat,
na nilang ‘landholding’ kanila pa lahat
ang pakinabang sa ‘foreclosed’ na nga dapat,
pero hanggang ngayon sila ang may hawak.
At kung saan kwenta ibinase riyan
ng isang officer ang kaso niyang tangan,
sa ‘civil case’ na ni walang kaugnayan,
dito sa usaping pagsuspende bilang
kina Cruz sa hindi marapat isanglang+=
landholding na sila ang ‘allocatee’ niyan.
Na ‘distinct in nature’ at ‘separate case’ nga,
‘Misplaced and Misleading’ sa simpleng salita;
‘Disqualification case’ sa pasimula,
nakapagtatakang sila itong bigla
na nangibabaw at ngayo’y tuwang-tuwa
kung walang naganap d’yan na pandaraya?
Sa puntong ito ay nais manawagan
ang abang-likod sa kinauukulang
Central Office ng DAR diyan sa Elliptical
Road, ng Quezon City, barangay Diliman,
nang sa gayon itong kaso na laon nang
nakabimbin ganap nang masolusyonan.
Nang pabor sa akin ‘as buyer in good faith’
nitong ‘landholding’ na sa ‘kin pinagkait,
nang nagdesisyon na sumobra ang bait
kina Felicitas, ang sanhi kung bakit?
‘Million dollars question’ na sagad sa langit
ang kasagutan na mahirap masungkit.
Manapa, sa ganang sariling opinion
ni ‘yours truly’ ay di abogadong bopol
na kagaya nang nagprisintang tutulong,
pero dumistansya matapos mag- ‘motion’
ng masasabi kong mali at “basulsol;”
And not contrary to erroneous decision.
(May isa pang karugtong)