Home Headlines Pamigay na lupa, ni Apo Lakay na di dapat ibenta o...

Pamigay na lupa, ni Apo Lakay na di dapat ibenta o isangla

388
0
SHARE

Tama bang ibase ng ‘Adjudicator’
na naglakas loob ibase ang hatol
nito sa isang kaso na walang koneksyon
sa usapin pang-DAR, kaya ganting tugon
ng legal officer na si Garde, tuloy
ang nakasalang na ‘disqualification’.

Natural lang na siya ang nakaka-alam
bilang sa usapin talapamagitan,
nakapagtatakang ni isang bista lang
sa kapanahunan ni Ariel Maglalang
nakapagdesisyon sa kaso niyang tangan
nang di ako nakaharap kahit misan.

Na ‘distinct in nature, misplaced and misleading’
at ibang kaso ang pinagbasehan niring
Adjudicator na dapat panagutin,
pagkat ibang isyu kung pakasuriin
ang pinagbasehan nga nitong nasabing
Adjudicator na may kakaibang galing.

Ako, bilang isang ‘buyer in good faith’ nga
nitong nailit na gusali at lupa,
natural lamang na ako’y maniwala
sa kung anong sa ‘kin ibinabalita,
ni sir Allin kami ang bumabandila
laban kay Cruz pagkat ang kanya’y di tama.

Na isangla nila ang ‘allocated’ na
‘landholding’ na dapat pangalagaan niya,
na hinayaan pa nitong marimata
sa napaka-liit lamang na halaga;
gayong batid naman nilang mag-asawa,
ang ‘rulings’ nitong DAR- na nilabag nila!

Pagkatapos akong ito na bumili
sa na-foreclosed’ nga nilang ‘real property’
ay damay sa gusot at ayaw din pati
na mabigyan ako o mag-hati kami?
Hindi ‘subdivided’ ang naturang lote
pero ang TD’s niyan kwenta apat bale.

May 32, 60, at Two Hundred Eighty (280)
itong sa Landbank ay isinangla pati,
pagkatapos akong bagong ‘allocatee’
nitong ‘landholding’ o naturang ‘property’
itong 32 lang sa madaling sabi,
anong palagay sa kanyang sarili?

Gustong akinin n’yan pati hindi dapat
mapasa’sa kanila sa di wastong yakag
nitong naturingan maalam sa batas,
pero sila itong minsan ay kalasag
ng mapanloko at sanay sa di patas,
na pamantayan ng mga mandurugas.

Sige, lagyan ninyo ang kaya n’yong bilhin
sa inyong salapi, gaya nitong galing
sa ‘convenience store’ gayong itong ating
usapin sa DAR ay nakabimbing pa rin;
kunsintidor itong ilang magagaling
na mga ‘officers’ sa takdang gawain.

Pati pandaraya kung saan ang dapat
na makinabang sa perang binabayad
sa ‘Rentals ’gaya nga r’yan ALFA Mart,
na malaki-laki rin namang kantidad,
itong buwanan na d’yan ibinabayad,
‘at my expense’ sila itong nabubundat?!

(May karugtong)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here