Midyear 1980’s nang ialok sa akin
nang aking mapag-mahal na ‘first cousin’
ang narimata ng bangko na ‘landholding’
na ang kabuoang sukat ‘five hundred (509),
square meters, more or less, kasama ang building,
na ‘108 square meters’ kung sukatin.
Isa ang pinsan ko r’yan sa tinatawag
na ‘stock holder’ nga ng isang Rural Bank,
kung saan na- ‘foreclosed’ ang nasabing ‘homelot’
na ang total area n’yan o tamang sukat
nasa 509 square meters lahat,
pero ang TD’s ay pumalo sa apat.
May thirty two (32), sixty (60), 280 at isang
108 square meters ang kabuoang
sukat ng ‘building’ na kinatitirikan
ng Restaurant mismo na isinangla niyan
ng mag-asawang Cruz sa isang Rural Bank
na sarado na nga sa kasalukuyan.
At di ko na makatulong sa pag- ‘eject’
kina Cruz kung kaya ang ‘complicated case’
na ‘who among us two has all the better rights
to have the property in question, none others
than the Petitioner may consider the best
new allocatee of subject landed estate.
Natural lamang na ‘as buyer in good faith’
ni ‘yours truly’ tayong ito’y magkapilit
makuha ang ating biniling ‘properties’
sa bangko at aking hangaring umalis
sa puesto ang dating ‘owner’ na si misis
Felicitas de Cruz, noon ko naisip;
Bumalik sa bangko, pero sarado na
at the time, na makausap ko ang isa
na ‘under receivership na kumbaga
ng Central Bank itong d’yan nakatalaga
para maningil ng utang nitong iba
na di pa bayad ang obligasyon nila.
So, ang ginawa ko aking inilapit
sa DAR itong aking pinaka-nanais
maresolba at ang pagkilos mabilis,
pinagharap kami ng ayaw umalis
na si Mrs. Cruz sa foreclosed na properties,
na hindi lahat na umano’y nailit.
At ang isinangla lang nila’y thirty two (32)
square meters, more or less’ ng lupang gobyerno,
na kung saan nga ay ‘allocatee’ mismo
ang mag-asawang Cruz, na ang sukat nito;
ay Kinyentos Nuebe (509) base sa titulo,
na naipalipat sa gawang di wasto.
Sa pangalan nga r’yan ng mag-asawang Cruz
gayong itong lupa ay hindi pa lubos
pag-aari nila, kasi di tapos
itong kumbaga ay ‘qualifying period’
na bawal isangla, ibenta, patubos
sa sinuman itong pamigay ni Marcos
Na pag-aari ng mga asyenderong
tulad ni Rogerio Gonzales na mayrung
halos di mabilang na hektarya itong
pag-aari n’yan sa Apalit, San Simon,
at sa Macabebe, saka sa Masantol
maliban sa ibang bayan nitong Rehiyon?
(May karugtong)