Pambihirang laki ng gulay, prutas ibinida sa Bataan

    400
    0
    SHARE
    BALANGA CITY – Ilang gulay at prutas na may pambihirang laki at hugis ang ibinida sa isang pagtitipong ginanap Miyerkules sa Bataan Capitol sa lungsod na ito.

    Naglalakihan ang upo, sitaw, talong, saging, patani, langka, puso ng saging, guyabano, sili at carrot. May malalaking bunga rin ng chiko.

    May kakaibang hugis ang kamoteng kahoy na maraming sanga. Sobrang taas ang kumpol na puno ng sibuyas at malaki rin ang puno ng kulitis babae na may bunga.

    Sinabi ni Provincial Agriculturist Imelda Inieto na pawang ginamitan ang mga prutas at gulay ng organic fertilizers.

    Ang pagtatampok, aniya, ng mga gulay at prutas at naglalayong himukin ang mga magsasaka na bawasan ang sobrang paggamit ng commercial fertilizers.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here