Pambihirang kabute natagpuan sa Bataan

    372
    0
    SHARE
    LIMAY, Bataan – Isang pambihirang bungkos ng  kabute na binubuo ng 16 na piraso at itinuturing na pinakamalaki sa mga kabuteng nakita na ang natagpuan ngayong Linggo sa Duale, isang upland barangay dito.

    Ayon kay Alfredo Villaviray, barangay kapitan ng Duale, nagulat siya nang makita niya ang bungkos ng kabute sa bunton ng mga ipa sa isang abandonadong dating itikan sa kanilang barangay.

    “Maraming nagsabi, kabilang na ako at ang aking tiyahin na mahigit 70 taong gulang na,  na sa tanang buhay nila ay ngayon lamang sila nakakita ng ganitong kalaking kabute kaya sinabihan ko ang municipal agriculturist na baka may paraan na ma-preserve ito at ma-display sa munisipyo ng Limay,” sabi ng kapitan.

    “Ayon sa programang ‘Imbestigador’, ang kabuteng may singsing lamang ang nakakahilong kainin samantalang ang mga ito ay wala naman pero takot pa rin ang mga tao na kainin ito dahil sa pambihirang laki,” patuloy ni Villaviray.

    Tuwang-tuwa naman ang mga bata habang minamasdan at sinasalat-salat ang malalaking kabute.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here