Abalang-abala ngayon ang mga nasa likod ng Unang Pambansang Kumperensiya ng Bulacan at Pampanga para sa Kasaysayan, Sining at Kalinangan na may temang “Sangang-daan, Iisang daan” na isasagawa sa Holy Angel University sa Angeles City.
Malapit na kasi ang tatlong araw na kumperensiya na gaganapin sa Mayo 12 hangang 14.
Ayon sa mga tagamasid, bongga ang tatlong araw na kumperensiya dahil sa imbitado ang mga pangunahing scholar o dalubhasa sa kasaysayan, linguistics, anthropology, literature at sining.
Maging si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at mga gobernador ng mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga, at mga kongresista at mga alkalde ng mga nabanggit na lalawigan ay imbitado.
Ilan sa mga tatakayin sa nasabing kumperensiya ang anng pagkahawig ng kasaysayan, sining at kalinangan ng Bulacan at Pampanga.
Ayon kay Jose Clemente ng Arte Bulakenyo Foundation Inc., napapanahon ang nasabing kumperensiya dahil sa napipintong pagbabago sa pagtuturo ng kasaysayan at social studies sa mga paaralan kung saan ay malaki ang posibilidad na mas bigyan pansin ang mga lokal na kasaysayan at kaugalian.
Katulad ng aking minsa’y nabanggit sa pitak na ito, binigyang diin ni Clemente sa isang pakikipanayam na ang Bulacan ay dating bahagi ng lalawigan ng Pampanga.
Ito ay batay na rin sa resulta ng mga pananaliksik na nagsasabing ang bayan ng Bulakan ang unang kabisera ng Pampanga bago nalipat sa bayan ng Bacolor. Ang bayan ng Bulakan ang kabisera ng lalawigan ng Bulacan mula 1500s hanggang huling bahagi ng 1800s.
Bukod dito, sinasabing ang ilang bayan sa lalawigan ng Bulacan ay dating bahagi ng lalawigan ng Pampanga katulad ng mga bayan ng Calumpit, Baliuag, Bustos at San Miguel de Mayumo.
Sa kasalukuyan, hindi rin maikakaila na maraming Kapampangan ang namamalengke at nag-aaral sa Bulacan. Katulad ng mga residente ng dulong barangay ng Masantol na sa bayan ng Hagonoy namimili at nagpapagamot kung may karamdaman dahil mas madali nilang marating at nasabing bayan. Gayundin ang ilang residente ng bayan ng Candaba na sa bayan ng Baliuag nagsisipag-aral.
Ang mga ito ay ilan lamang sa maliliit na bahagi ng higit na importanteng impormasyon na maririnig sa tatlong araw na kumperensiya.
Inaasahang ang nasabing kumperensiya ay higit na magbubukas ng kaisipan ng mga dadalo, at inaasahan ding maghahatid iyon ng higit na pang-unawa sa kasaysayan, kalinangan at sining ng dalawang lalawigang pinaghiwalay ng isang ilog.
Napabilang ang Mabuhay at Punto Central Luzon sa 13 pahayagang finalist sa ika-13 Community Press Awards ng Philippine Press Institute (PPI) kung saan ay ang pamamaraang civic journalism ang magiging batayan ng pagpili sa magwawagi sa kauna-unahang pagkakataon.
Ikinagagalak kong maging bahagi ng mga pahayagang Mabuhay at Punto Central Luzon.
Ang pagbibigay ng parangal sa isasagawa sa Abril 28 sa Diamond Hotel sa Maynila kaugnay ng ika-13 pagkalahatang pagtitipon ng mga kasaping pahayagan ng PPI bukod sa nakatakdang National Press Forum na may paksang “Reporting the 2010 Elections Now”.
Sana ay manalo ang Mabuhay at Punto Central Luzon. Kung hindi man, isang karangalan pa ring maituturing ang mabilang sa hanay ng 13 natatanging pahayagang pampamayanan sa bansa.
Ang mga finalist sa taunang parangal sa mga pahayagang pampamayanan ay nahahati sa kategoryang daily o mga pahayagang inilalathala araw-araw, at weekly o pahayagang lingguhan kung ilathala.
Ang mga finalist para sa daily category ay ang Sun.Star Cebu, The Freeman, Cebu Daily News na pawang inilalathala sa ng Lungsod ng Cebu, Sun.Star Davao ng Lungsod ng Davao, Punto Cental Luzon ng Lungsod ng San Fernando sa Pampanga, at Sun.Star Baguio ng Lungsod ng Baguio.
Para naman sa weekly category, ang mga finalist ay ang Sunday Punch ng Lunsod ng Dagupan City, Baguio Midland Courier ng Lungsod ng Baguio City, Mabuhay ng Bulacan, Balikas ng Batangas, The Sunday Negros Chronicle ng Lungsod ng Dumaguete, West Leyte Weekly Express ng Lungsod ng Ormoc, at Sun.Star Soccsksargen Business Weekly ng Lungsod ng General Santos City.
Hindi biro ang maglathala ng isang pahayagan pang-araw-araw katulad ng Punto Central Luzon. Kung ikaw ang editor in chief nito at ikaw ay binata, malamang ay tumanda kang binata.
Pero kung ikaw naman ay may ‘sabit’ na ay umaastang binata, walang problema hangga’t hindi ka nahuhuli ni kumander. Dahil kapag nahuli ka, tiyak na ‘mae-edit’ ang maliligayang araw mo.

Ang nasabing kumperensiya ay isinusulong ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies, Bahay Saliksikan ng Bulacan, at Arte Bulakenyo Foundation Inc., sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Ang lahat ng guro ng kasaysayan, social studies, mga history buff at mga estudyante ay inaanyayahang dumalo sa kumperensiya.