Home Headlines Pamaskong handog sa Bataeño

Pamaskong handog sa Bataeño

459
0
SHARE

LUNGSOD ng Balanga – Ginanap ng pamahalaang panlalawigan ang isang Thanksgiving at Year- End Assembly bilang pasasalamat sa mga biyayang natanggap  at sa patuloy na pagkakaisa ng pamahalaan at komunidad. 

Ang pagtitipon na tinaguriang Pasko para sa Batang Bataeño ay  ginanap sa Bataan People’s Center sa Lungsod ng Balanga kung saan tampok ang mga bata na itinuturing na  simbolo ng pag-asa at kinabukasan ng bawat pamilyang Bataeño.

“Nakatutuwang  makita ang mga batang benepisyaryo ng ating buwanang birthday celebrations na muling nagsama-sama upang ipagdiwang ang tunay na diwa ng Pasko: pagmamahalan, pagmamalasakit, at pagkalinga sa bawat pamilya,” sabi ni Gov. Jose Enrique Garcia III.

Labis ang kaligayahan ng mga bata matapos magkaroon ng gift-giving, salo- salo sa pagkain, magical show at photobooth.

Samantala, matatapos na rin ang pamamahagi ng Pamaskong Handog sa mga Bataeños para sa taong ito.

“Nawa’y nakapaghatid ito ng ligaya sa lahat ng mga barangay sa ating lalawigan. Sa mga huling araw ng pamamahagi, sinisiguro  nating walang maiiwan at bawat komunidad ay mararamdaman ang diwa ng Pasko,” saad ng governor.

Ang bawat handog, ani Garcia ay simbolo ng malasakit, pagkakaisa at pag-asa at isang paalaala na ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagtutulungan at pagbibigay sa kapwa. 

“Sa tulong ng mga lokal na opisyal sa ating mga komunidad, naipamamahagi ang mga regalo ng maayos at ligtas, habang pinagtitibay ang ugnayan sa bawat barangay,” dagdag ng governor.

Pinasalamatan ni Garcia ang lahat ng nakibahagi at tumulong upang maging matagumpay ang programang ito. (30)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here