Home Headlines Pamamasko ipagbabawal sa Arayat, checkpoints nakalatag Dec. 22-26

Pamamasko ipagbabawal sa Arayat, checkpoints nakalatag Dec. 22-26

920
0
SHARE

Bawal mamasko sa Arayat sa Disyembre 22 hanggang Disyembre 26. Kuha ni Rommel Ramos



ARAYAT, Pampanga — Ipagbabawal ng lokal na pamahalaan ang paglabas ng mga kabataan edad 18 pababa, mga senior citizen at pagsasagawa ng mga gathering ngayong holiday season para maiwasan ang pagkalat ng
Covid-19.

Ayon kay Arayat Mayor Emmanuel Alejandrino, ito ay alinsunod sa inilabas na kautusan ng IATF.

Para ipatupad ito ay maglalagay sila ng mga checkpoints sa mga boundary ng Arayat simula Marteshanggang Dec. 26.

Tumataas kasi ang bilang ng Covid-19 sa lugar, ani Alejandrino, kaya ipapatupad nila ang karagdagang restrictions para makontrol ito ngayong holiday season.

Mahigpit na ipagbabawal ang paglabas ng mga edad 60 pataas at 18 pababa dahil inaasahan na kapag magpapasko ay maglalabasan ang mga tao at kasama ang mga bata na mamamasko.

Maging ang pagpunta ng mga bata sa mga mall ay ipinagbabawal din.

Ang papayagan lamang na makapasok at makalabas ng bayan ay pawang mga empleyado na kailangang magpakita ng mga I.D at papayagan nang makalagpas ng checkpoints.

Hindi rin makapasok ang mga hindi residente ng Arayat dahil iniiwasan nila ang pagdating ng mga tao na maaaring may virus sapagkat ang mga kaso nila ng Covid-19 ay puro galing sa labas ng kanilang bayan.

Kung mag-ookasyon ay pinapayuhan niya ang mga residente na sa loob na lamang ng bahay at huwag nang mangumbida pa.

Kung may makikita ang mga otoridad ng nagpaparty o nag-iinuman ay patitigilin nila ito.

Ipapaubaya naman nila sa mga kapitan ng barangay kung nais nilang maglagay ng mga checkpoints sa kanilang barangay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here