Home Opinion Pamahalaang Digong, walang tiyak na direksyon

Pamahalaang Digong, walang tiyak na direksyon

1046
0
SHARE

SA KWENTA pang-apat na SONA ng ating
Pangulo ay di na binanggit ang dating
ipinangako na kanyang uunahing
bibigyan aniya ng matamang pansin.

Kundi bagkus para bang ang iniulat
ni Sir, sa loob ng mahigit isang oras
ay tila ‘replay’ lang, gaya ng ‘war on drugs’
na ang biktima ay pawang mahihirap.

(At wala ni isang de barong, ‘coat & tie,
dress-to- kill’ at naka-Filipinianas riyan,
ang nakasuhan ng ating Malakanyang
ng pangungurakot sa kaban ng bayan).

Nang kumandidato siya bilang Pangulo
ibinandera niyang lulutasin nito
ang lahat ng uri ng masamang bisyo
oras na maupo siya sa Palasyo.

Na kung saan ‘within ninety days to six months’
ay kaya umano niyang durugin yan,
pero hayan, tapos na bale ang kanyang
‘midterm,’ di pa rin niya naisakatuparan.

Ang isinusulong niyang Federalismo
di na rin inungkat o nabanggit nito
sa nakalipas na SONA niya mismo,
kaya maaaring ‘scratch’ na rin ito.

Pabago-bago ang kanyang sinasabi
na gagawin kaya’t lalong dumarami
itong kung minsan ay nawiwika pati
ng iba na ‘weird’ daw si Digong Duterte.

Kasi nga’y madalas ay di natin alam
kung siya’y seryoso o nagbibiro lang
sa kung anong isyung marapat aksyonan,
kaya nga’t minsan ay mahirap masakyan.

Karaniwan na sa kanya ang pagiging
padalus-dalos sa mga sinasabing
tama’t pabiro lang, pero sa iba nating
kababayan, medyo di okay ang dating.

Gaya nang sa kanyang nakaraang SONA
ay sinabi nitong magbibitiw siya
bilang presidente, at kung sino aniya
ang gustong pumalit (yata) magprisinta?

Partikular itong mula sa militar,
base sa salitang kanyang binitiwan,
‘yan kahit pabiro kung ika nga’y sanlan
di dapat sabihin ‘in public’ ang ganyan.

Sanhi na rin nitong kawalan din niya
ng ‘self control’ minsan, saka ng legal na
panuntunan at ng ‘self discipline’ po ba?
Nadidiskaril ang pananalita niya.

Buti na lang bago tuluyang matapos
ang diskurso niya, kumabyo patapos,
na ‘up to his last day in offi ce,’ ang sagot
tuloy ang gyera niya sa bawal na gamot!

At ang ilang bagay na inaasahang
tatalakayin at bibigyan ng daan,
gaya ng gusto niyang sistemang ‘federal’
patuloy pa kaya niyang ipaglalaban?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here