‘Palparan hindi kinakanlong ng AFP’

    365
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS CITY – Hindi kinakanlong ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas si Ret. Maj. Gen Jovito Palparan, at kung alukin man ng tulong ay tatanggihan ito.

    Ito ang buod ng pahayag ng nagtatagong heneral kamakailan na ipinalabas sa pamamagitan ni Abogado Jesus Santos.

    Ayon kay Atty. Jess Santos, isa sa mga  abogado ni Palparan, nagkausap sila ng heneral sa telepono at nais daw nito na maisapubliko ang kanyang panig na hindi dapat na isangkot ang AFP sa patuloy na hindi pagkadakip sa kanya ng gobyerno.

    Sa isang pahinang pahayag, sinabi ni Palparan na hindi dapat dungisan sa isyung ito ang reputasyon ng AFP na dati niyang kinabibilangan.

    “This is my own fight, do not blame the AFP and the retired generals for the continued failure of the government to have me arrested”, ani ng heneral na tinawag ng mga militante bilang “Berdugo.”

    Iginiit pa niya na “stop accusing them of coddling me,” at “even if they offer, I will not accept because I do not want the AFP and the retired generals to be involved.”

    Kaugnay nito, sinabi ni Santos na nagpapasalamat si Palparan kina Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo at Justice Secretary sa pagtanggi sa panawagan na magpalabas ng shoot to kill order.

    Ayon kay Santos, labis daw na ikinatuwa ng dating heneral ang naging pahayag ni Robredo na hindi naman dapat siyang ipapatay at bagkus ay idaan sa proseso ng batas.

    Samantala, nagpadala na ng liham sa National Bureau of Investigation (NBI) si Santos kaugnay ng kanyang ipinahayag sa korte na posibleng buhay pa ang dalawang UP students na nawawala.

    Ayon kay Santos, ipinagkatiwala na niya sa NBI ang paghahanap sa dalawa na aniya’y may kakayahan upang makumpirma ang kanyang natanggap na report.

    Kung lilitaw daw kasi ang dalawa ng buhay ay mawawalang bisa na ang kaso laban kay Palparan at magkakaroon ng hustisya ang pamilya nina Empeno at Cadapan at maging si General Palparan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here