AT NAGANAP na nga. Ang pagpapaimbulog sa pambansang pulitika ng suspendidong pari na gubernador ng Pampanga.
Magmistula mang ako na nga ang batang humiyaw ng “lobo” sa pabula ni Aesop, akin pa ring uulit-ulitin ang nasulat ko na dito noong Mayo 3, 2007 na:
MULA SA iba’t ibang siglo sa kasaysayan ng mundo, puro kapalpakan ang mga naging kaganapan sa pagtangan ng kapangyarihang pulitikal ng kaparian. Isa itong masamang pangitain sa mga Kapampangan kung palaring mahalal na guberndor ang isang pari.
Walang anumang bahid personal ang lathalaing ito ukol kay kandidato Padre Eddie Panlilio. Ito ay halaw sa mga tunay na pangyayari.
Noong 1494 naging diktador ng Florence ang Dominicanong prayleng si Girolamo Savonarola nang lupigin ng mga Pranses ang lungsod-estado ng Italya. Kaagad niyang ipinatupad ang malawakang reporma sa moralidad na tanging paksa ng kanyang mga sermon sa simbahan ng San Marco na kanyang pinamunuan. Mga sermon na nagpasikat sa kanya at nakapagparami ng kanynag mga tagatangkilik.
Binigyan niya ng kahulugan ang pagsakop ng mga Pranses bilang parusa ng Diyos sa mga tao, at pinaniwalaan niyang siya ay isang propeta na maglalatag ng paghuhukom hindi lamang sa Italya kundi sa mismong simbahan na noo’y lunod sa kamunduhan.
Ang awayan nila ni Papa Alejandro VI ay nagbunga ng pagka-ekskomunikado ni Savonarola na hindi lamang niya nilabanan kundi ipinahayag na walang saysay dahil lipos din sa kasalanan at hindi maka-Diyos ang nagpataw.
Dahil sa kanyang pagka-suwail, nawala ang suporta sa kanya ng mga Florentino, bumagsak ang kanyang popularidad at siya ay inaresto, nilitis, pinahirapan at ginawaran ng parusang kamatayan sa salang pagiging erehe at iskismo o pagkawatak-watak ng pananampalataya.
Binitay si Savonarola at sinunog pa ang kanyang bangkay noong Mayo 1498.
Ang sumunod sa pandaigdigang tanghalan ng mga kaparian sa larangan ng pulitika ay si Cardinal Richelieu ng Pransiya, punong ministro ni Haring Luis XIII mula 1624 hanggang 1642. Isinulong ni Richelieu ang royal absolutism o ang sentralisasyon ng lahat ng kapangyarihan sa hari – ang pagsulong ninya sa interes ng kanyang kaharian ay nanaig pa sa relihiyon, humigit pa sa moralidad o anumang prosesong konstitusiyonal.
Ang mabigat na buwis na ipinataw ni Richelieu sa mga mamamayan upang makalikom ng pondong pantusta sa digmaan ng mga bansang kanyang pinag-away-away ay nagbunga ng mga paghihimagsik sa mga probinsiya ng Pransiya.
Isa pang pari – bagama’t sa Simbahang Orthodox ng Rusya – na naging bantog sa mga gawaing karumal-dumal sa pulitika ay si Grigory Rasputin.
Ang wari’y pagpapagaling ni Rasputin sa hemophilia ni Prinsipe Aleksei sa pamamagitan ng hipnotismo ang nakapagpalapit sa kanya kay Tsarina Alejandra Fyodorovna. May mga nagsabing magkalaguyo pa ang dalawa.
Nang personal na pamunuan ni Tsar Nikolas II ang hukbong sandatahan ng Rusya sa kasagsagan ng Unang Digmaang Pandaigdig noong 1915, si Rasputin at ang tsarina ang nagpalakad na ng gubyerno sa bansa.
Makalipas ang dalawang taon – noong 1917 – matagumpay na naibagsak ni Lenin ang gubyerno ng Romanov, naitatag ang Unyon Sobyet at minasaker ang buong mag-anak ni Nikolas at Alejandra.
Si Rasputin? Nilason, binaril at nilunod sa Ilog Neva ng mga dugong bughaw noong Disyembre 30, 1916.
Sa ating kapanahunan, si Jean-Bertrand Aristide naman ang tumatayong pinakatanging halimbawa ng paring humawak ng kapangyarihang pulitikal.
Ang kauna-unahang halal na pangulo ng bansang Haiti sa loob ng 200 taon nitong pagiging malaya, si Aristide ay na-ordinang pari noong 1982. (Siya ay umalis sa pagkapari noong 1994 at nag-asawa.)
Isang magaling na mananalumpati, kampeon si Aristide ng mga mahihirap, nakibaka para sa demokrasya at lumaban sa diktador na si Baby Doc Duvalier na napatalsik sa isang himagsikan noong dekada ’80.
Naging pangulo ng Haiti si Aristide noong 1990 subali’t nakudeta matapos ang ilang buwan lamang, tumakas at naglagi sa Estados Unidos kung saan nag-lobby para mapatalsik ang lider-militar na pumalit sa kanya.
Noong 1994, sa tulong ng Amerika, si Aristide ay nakabalik sa puwesto. Dahil sa bawal ang magkasunod na termino sa pagka-pangulo, hindi kumandidato si Aristide noong 1995.
Sa kanyang pagbabalik noong 2000, nakamit ng kanyang Lavalas Party ang 80 porsiyento ng mga boto.
Subali’t hindi rin nagtagal ang suporta sa kanya ng mga mamamayan dahil sa mga anomalya sa kanyang administrasyon. Nagkaroon ng mga malawakang protesta at armadong paglalaban hindi lamang sa mga kanayunan kundi pati na rin sa mga lansangan ng kabiserang Port-au-Prince.
Bago pa man magwakas ang kanyang termino noong 2006, nagbitiw sa pagkapangulo si Aristide at nag self-exile. Ito ay matapos mag-alinlangan ang Washinton sa kanyang “fitness to continue to govern amid a crisis which was his own making.”
Savonarola. Richelieu. Rasputin. Aristide. Natatanging halimbawa ng kapariang nagdulot ng pagkariwara ng sambayanang sa kanila’y naniwala’t nagluklok sa kapangyarihang pulitikal. Natatanging halimbawa ng kapalpakan ng kaparian sa larangan ng panunungkulang pulitikal. Pinakamalinaw na pangangatwiran o argumento sa paghihiwalay ng estado at simbahan.