Home Headlines Palengke, barangay ini-lockdown

Palengke, barangay ini-lockdown

1543
0
SHARE

Ang Guagua Public Market na sasailalim sa tatlong araw na lockdown. Kuha ni Rommel Ramos



GUAGUA, Pampanga — 
Isinailalim sa lockdown ang Guagua Public Market at Barangay Sto. Niño dito matapos magpositibo sa virus ang anim na katao na mga nagtitinda at trabahador ng palengke.

Simula Lunes, Aug. 17, ay tatlong araw na isinailalim sa lockdown ang palengke para magsagawa ng disinfection.

Ayon kay Mayor Dante Torres, asymptomatic ang anim na pasyente na mga naka-isolate na ngayon habang nagsasagawa na rin sila ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga ito.

Bukod sa palengke ay isinailalim din sa lockdown ang Barangay Sto. Niño na nakakasakop dito para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Sa kabuuan sa kasalukuyan ay nasa 20 na ang nagpositibo at 15 rito ang aktibong kaso habang dalawa ang namatay at ang tatlo ay nakarekober na sa buong bayan ng Guagua.

Samantala, naibalik na kahapon ang nawalang sampung kutson na ginamit ng mga person under monitoring sa Covid-19 sa isang isolation facility.Kahapon ay iniwanan na lamang sa eskwelahan ang mga kutson na hindi pa matukoy kung sino ang kumuha.

Ayon sa alkalde, hinala niya na ang mga residente sa paligid ng eskwelahan o di kaya ay ang ibang nagbabantay doon na inakalang souvenir item ang mga kutson kayat kinuha ang mga ito.

Dahil sa pagkawala ng mga kutson ay nangangamba si Torres sa posibilidad na kumalat ang virus sa lugar dahil ginamit ng mga PUM ng 14 na araw ang mga kutson.

Nalaman lamang nila na nawala ang mga ito nang magsasagawa na ng disinfection matapos and quarantine period ng mga PUM sa eskwelahan na ginawa nilang isolation area.

Ang mga naibalik na kutson ay dinisinfect na nila at ibinalik na sa isolation facility para magamit muli ng mga PUM na naroon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here