Home Headlines Palayan LGU, nagbigay ng mga gamot sa 7ID

Palayan LGU, nagbigay ng mga gamot sa 7ID

445
0
SHARE

FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija (PIA) — Nagbigay ng mga gamot laban sa Covid-19 ang pamahalaang panlungsod ng Palayan sa 7th Infantry Division (7ID) ng Philippine Army.

Personal na tinanggap ni 7ID Commander Major General Andrew Costelo ang anim na kahong Molnupiravir, anti-viral drug para sa mga nagkakasakit ng COVID-19 na inihandog mismo ni Mayor Viandrei Nicole Cuevas.

Ayon sa kumander, makatutulong ang mga natanggap na gamot bilang paghahanda sa anumang maaaring maidulot ng Covid-19.

Personal na ipinagkaloob ni Palayan City Mayor Viandrei Nicole Cuevas (nakasuot ng kulay puti) kay Army 7th Infantry Division Commanding General Major General Andrew Costelo (nasa kaliwa) ang mga donasyong gamot laban sa Covid-19 sa idinaos kamakailan na ceremonial turn-over sa kampo Magsaysay. (7th Infantry Division)

Ito aniya ay mapakikinabangan hindi lamang ng mga kasundaluhan, personnel, yunit ng dibisyon kundi pati ng mga mangangailangang mamamayan partikular ang mga naninirahan sa loob ng kampo.

Kaugnay nito ay lubos ang pasasalamat ni Costelo sa pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa buong hanay.

Ipinahayag naman ni Cuevas na patuloy na magiging kaagapay ng hanay ang pamahalaang lokal  sa paglaban sa Covid-19 gayundin sa paghahatid ng iba’t ibang serbisyo sa mga komunidad. (CLJD/CCN-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here