Home Headlines Palaro ng Lahi nagpapabalik sa alaala ng lumipas

Palaro ng Lahi nagpapabalik sa alaala ng lumipas

1101
0
SHARE
Agawan sa baboy sa putikan.

MARIVELES, Bataan — Nagsagawa nitong Linggo ang Barangay Alion sa bayang ito ng tinatawag nilang “Palaro ng Lahi” na ibinabalik ang mga palaro ng nakalipas na panahon.

“Masarap balikan ang mga nakalipas,” sabing napapangiti ni Rona Pasahol, 46, matapos masaksihan ang ilang palarong nagpapaalaala umano ng kanyang kabataan. Ang ganito umanong palaro ay nagbibigay sigla dahil parang ibinalik sa alaala ang nakalipas na panahon at sana raw ay ipagpatuloy.

Ayon kay Marcialito Balan, Barangay Alion chairman, ang gaganapin nilang palaro ay agawan sa paghuli sa isang baboy habang nakapiring ang mga mata ng mga kalahok, palosebo, tug of war, at sack race. 

“Ito ang mga laro noong unang panahon na ibinalik lang namin para at least makita ng mga bata sa henerasyon ngayon na ganoon ang laro dati na hindi gaya ngayon na lagi na lang social media ang nilalaro nila, mga games na lang sa computer,” sabi ng punong barangay. 

Sabik, ani Balan, ang mga tao sa kasayahan dahil natigil ito ng halos tatlong taon dahil sa pandemyang dulot ng Covid–19.  

Unang ginanap ang paghuli sa isang native na mallit na baboy sa isang kulong na lugar na ang lupa ay binasa upang magputik. Nagsisigawan ang mga manunood sa tuwa dahil ang mga kalahok ay hindi malaman kung saan susuling upang mahuli ang baboy dahil nakapiring ang mga mata nila. 

Matapos ang maraming pagdapa sa nagpuputik na lupa, nahuli ang baboy ng dalawang babaing magkalaban. Nagkandahiga na ang dalawa sa putik pero parehong ayaw bitawan ang baboy kaya nagdeklara ang barangay na ulitin ang laro.

Ang premyo ay ang baboy mismo at halagang P3,000. 

Sumunod na ginanap ang palosebo na sa una ay pinupunanasan ng kamay ng mga kalahok ang langis sa kawayan upang mabawasan ang dulas nito. Tatlong grupo ng mga kabataan ang kalahok. 

Teamwork sa palosebo. Mga kuha ni Ernie Esconde

Maraming pagsubok na ginawa ang bawat grupo upang maakyat ang madulas na kawayan at marami ring beses na dumadausdos silang pababa.

Sa bandang huli sa magandang teamwork, naabot din ng isang grupo ang dulo ng kawayan na kinalalagyan ng red flag na hudyat ng tagumpay.  

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here