Home Headlines Palamuting Pamasko sa Mariveles kapansin-pansin

Palamuting Pamasko sa Mariveles kapansin-pansin

656
0
SHARE

MARIVELES, Bataan: Bagama’t nag-aagaw ang dilim at liwanag pa lamang at wala pa ang dilim ng gabi nitong Biyernes, kapansin-pansin na ang iba’t ibang palamuting Pamasko sa loob at labas ng municipal hall ng Mariveles, Bataan.

Sa bungad pa lamang, sa bakod ng munisipyo, kaakit-akit na ang maraming katamtamang laki ng mga parol na nagsabit.

Isang malaking belen na katabi ng isang 25-feet Christmas tree na may tila candy house sa ibaba ang agad bubungad sa maraming namamasyal.

Ang itaas ng harap na bahagi ng munisipyo ay nagniningning sa kapansin-pansing palamuti. Maraming candy house sa harap ng munisipyo na masayang pinag-uumpukan ng mga kabataan.

Malalaking Christmas balls at tila baging na mga Christmas lights ang nagpapaliwanag sa ilang punong kahoy. Picture dito, picture doon ang mga magkakaibigan, mag-aanak sa iba-ibang bahagi ng mga palamuting Pamasko.

Sa loob mismo ng munisipyo ay may dalawang katamtamang taas na Christmas tree kasama ang ilan pang palamuti.

Nasa harap ng dagat ang munisipyo ng Mariveles kaya madadama ang lamig ng hanging amihan mula sa dagat na lalo pang nagpapaalaala na ilang araw na lamang at Pasko na.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here