Kay tagal na ng drama ni Kim Chui na nabailian siya ng pakpak nang umasim ang kanilang relasyon ni Gerlad Anderson.
Kumbaga, she hasn’t move on ever since, pero ngayong mukhang may mangyayari na sa kanila ni Xian Lim, ayan at muli na namang bumubuka ang mga pakpak niya. Kumbaga, sa tulong ni Xian, nakalilipad nang muli si Kim Chui.
Si Xian ang naging pakpak niya, na sa halip na ligawan agad ang bida ng My Binondo Girl, inaalalayan muna nito ito.
Nasabi ito ni Xian nang malamang parang nabalian ng isang pakpak si Kim magmula nu’ng mag-break sila ni Gerard Anderson.
“In time, she can fly again but still I will be there for her forever,” sabi pa nito.
Malaking pressure kay Xian ang paulit-ulit na pagsasabi sa kanya na si Kim, on top of her career. At baka nakikisakay lang si Xian, sakaling tuluyan nga niyang ligawan ang dalaga.
Kaya lang, noong Huwebes at Biyernes episode ng MBG, hindi maitatago sa “kissing at bed scenes” nila ang kanilang tunay na nararamdaman. Bigay na bigay si Kim at alalay na alalay naman si Xian.
Parang ayaw ni Xian na masabing sinasamantala niya ang pagkakataon. Pero kilig na kilig ang mga manonood at nag-trending talaga ito sa Internet.
Pigilan man ni Xian ang sarili, hindi maikakailang mahal na niya ang leading lady. Meanwhile, dalawang Linggo na lang at matatapos na ang MBG. Mauudlot ang kilig na napapanood sa TV at mabibitin ang lahat ng masugid na sumusubaybay sa serye.
Kailangan sigurong sundan agad ang project nilang ito para ma-sustain ang init ng kanilang pagmamahalan.