Pakapalan na lang ba?

    703
    0
    SHARE

    KUNG ganyang kung alin ang dalawang sangay
    ng ating hustisya, (itong Kagawaran
    ng Katarungan at ang ‘Highest Tribunal’)
    ang tila may bahid ng pagka-immoral;

    Gaya ni dating DOJ Sec Aguirre
    na pinagbitiw ni Pangulong Duterte
    dahil sa isyu ng pagbasura pati
    ng Piskalya sa kaso ng ‘celebrity’

    Na si Kerwin Espinosa, kamakailan
    na umaming sangkot sa gawang iligal,
    pero naabsuwelto, at naging dahilan
    ng pagbitiw ni Sec sa puesto niyang tangan.

    At ito namang si Chief Justice Sereno,
    na may ‘cloud of doubt’ ang kanyang pagkapuesto
    sa ‘Supreme Court,’ saan na kaya patungo
    ang ‘justice system’ sa isang tulad nito?

    Kung ganyang umano kahit may nilabag
    na ‘rule of court’ mismo sa Saligang Batas
    ang atin pa manding pinaka-mataas
    na hukom ng bansa ang hindi matinag?

    At kapit-tuko sa kinauupuhan
    sa kabila nga ng itong Malakanyang
    ang nagpapababa sa tungkuling tangan,
    na bigay ng kanyang Pangulong sinundan?

    O ‘yan ba’y nang dahil sa itong nagluklok
    kay Sereno ang siyang matibay na moog
    mismo nito (PNoy) sakali’t umabot
    sa puntong siya ay sa Munti mapasok?

    Kaya nga’t malinaw mang may nilabag na
    mga panuntunan itong kwenta ‘Reyna’
    sa ‘ting pinakamataas na tribuna,
    ‘yan ay di mabaklas sa upuan niya.

    Ano bagang silbi nitong ‘quo warranto’
    na sandigan minsan sa ating husgado
    para magamit sa legal na proseso
    kung di rin lang pala maipatupad ito?

    Ipagpalagay nang hindi ‘co-terminus’
    ang ‘chief justice’ sa kung sino ang nagluklok
    (na Pangulo), pero itong nakaluklok
    ‘at present has no hand to push Sereno out?’

    Kung kagaya nga r’yan na tila may ‘lapses’
    ang ‘chief justice’ sa di nito pagsa-’submit’
    ng SALN at iba pang mga papeles,
    bago ang opisyal nitong ‘oath of office’.

    At kung ganito ring ang ilang kasama
    ni Sereno mismo sa hudikatura,
    di rin niya kasundo – ano’t di pa siya
    kusang bumaba sa kinalalagyan niya?

    (Maliban na nga lang sa hinala natin,
    na kaya di nito magawang magbitiw
    ay dahil na rin sa posibleng gamitin
    siya ni ‘tulo laway’ sa kanyang usapin

    Na anumang oras posibleng isampa
    ng ‘blue ribbon committee’ o kamara,
    ang kaso ng SAF 44 at saka
    itong hinggil sa lintik na ‘Dengvaxia’.

    Kung saan kabilang sina Janette Garin
    at Florencio Abad sa mga maaring
    makasuhan sa pag-bili ng nasabing
    bakunang ang dulot sa lahat ay lagim!)

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here