Home Headlines PAHAYAG NI GOV. DENNIS PINEDA SA RAID SA FONTANA

PAHAYAG NI GOV. DENNIS PINEDA SA RAID SA FONTANA

4532
0
SHARE

Nagpapasalamat po ako sa CIDG, FDA at CDC sa isinagawa nilang raid sa #628 Florida Street sa loob ng Fontana Leisure Parks at pagpapasara nila doon ng iligal na ospital para sa Chinese Covid-19 patients nitong Martes.

Hinihikayat ko po ang CIDG, FDA at CDC na hanapin pa po ang napapaulat na iba pang katulad na iligal na pasilidad sa loob ng Clark Freeport. Nanawagan din po ako sa Chinese Embassy na utusan ang kanilang mga citizens na magpagamot sa mga lehitimong ospital sa loob ng Clark Freeport.

Gawin nyo po sana ang aking pakiusap para maprotektahan ang mga taga-Pampanga sa coronavirus. Pampanga Capitol, 20 Mayo 2020 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here