Pagtulong lang talaga, di pangangampanya

    1026
    0
    SHARE

    (KARUGTONG NG SINUNDANG ISYU)

    MATAPOS ANG mahigit halos isang linggong
    Pagdalaw sa Leyte ni ‘Acting Governor’
    Pineda at kanyang buong delegasyon,
    At kung saan kabilang sa kanyang misyon
    Ay makapaghatid ng maitutulong
    Sa sinalanta ng ‘storm surge’ sa rehiyon

    At bigyan ng ‘relief’ ang naging biktima
    Ng napakalakas na bagyong Yolanda,
    Awa ng Diyos – sila ay nakabalik na
    Ng ligtas at walang anumang aberya,
    Kasama pati ang ‘medical team’ niya,
    Sa pangunguna ni Dr. Jay Rivera

    At siyam na narses na nagboluntaryong
    Sumama kay ‘Delta’ upang makatulong
    At tunay naman ding ito’y taos-pusong
    Pagsaklolo lamang ng Acting Governor
    At delegasyon ng ‘provincial capitol’
    Ay maituturing na dangal ng rehiyon.

    At di basta malilimot ng marami,
    Partikular na riyan nitong taga Leyte,
    Pagkat tunay naman ding kapuri-puri
    Ang naging gampanin ng butihing Bise,
    Dala na rin nitong walang kulay pati
    Ng pamumulitika ang kanyang pagbiahe

    At kusang pagtungo sa naturang lugar,
    Dahil hindi siya kagaya ng ibang
    Pulitiko na ang katulad ng ganyan,
    Sinasamantala para sa personal
    Na hangaring makilala ng lubusan,
    Para muli’t-muli pa silang mahalal

    At/o kaya nagnanasang tumaas pa
    Kaysa dating puesto ang habol ng iba;
    Tulad halimbawa na lang nitong isa,
    Na ngayon pa lang ay nagpaparamdam na
    Sa pamamagitan nitong pamigay na
    ‘Relief’ na may tatak ng tanggapan niya.

    Pero ang kay Delta… gaya ng nasabi
    Ng inyong ‘columnist’ ay talagang ‘purely’
    Pagtulong lamang sa mga taga Leyte;
    At isinuong man ang kanyang sarili
    Sa panganib ay di lubos inintindi,
    Maiparating lang ang naisin pati.

    Na masuportahan para makabangon
    Ang Leyte sa matinding pagkakabaon,
    Sa kung anong kaya na maitutulong
    Ng napakabait na ‘Acting Governor’
    (Partikular na ng ‘provincial capitol’)
    Sa kalagayan ng mga tao roon

    Matapos na sila ay lubusang masadlak
    Sa di matingkalang dusa’t paghihirap,
    Dala ng napaka-grabeng kalamidad,
    Na ngayon pa lamang nangyari at sukat
    Ang ganitong bagay na kasindak-sindak
    Sa alin mang panig nitong Pilipinas.

    At kung saan dahil sa pangyayaring yan,
    Nakilala natin ang tunay na kulay
    Ng iba, gaya riyan nitong ngayon pa lang,
    Ay itinatatak na niya sa pamigay
    Na ‘relief’ ang logo ng kanyang tanggapan,
    Kasama pati na ang buong pangalan?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here