NORZAGARAY, Bulacan—Sa halip na kumpunihin ang Angat Dam upang higit na mas maraming tubig ang maitinggal dito, mas makabubuting magtayo na lamang ng ibang dam.
Ngunit ipinayo rin ng mataas na opisyal ng National Power Corporation (Napocor) na namamahala sa Angat Dam na kailangan ng magtayo ng maliliit na dam sa ibaba ng Angat Dam upang masahod at maitinggal nito ang sobrang tubig na pinatatapon kung panahon ng tag-ulan.
Sa ganitong paraan, may magagamit na tubig sa panahon ng tag-araw para sa mga magsasaka at makatutugon din ito sa problemang hinaharap hinggil sa kakapusan ng kuryente sa Luzon.
Sa panayam kay Engr. Rodolfo German, ang manager ng Angat River Hydro Electric Power Plant (Arhepp) ng Napocor, sinabi niya na malaking halaga ang kakailanganin kung kukumpunihin ang 42-taong Angat Dam.
“Its better to construct a new dam because Angat Dam is good for another 60 years,” ani German ng tanungin hinggil sa posibilidad na pataasin ang kakayahan ng dam na magtinggal ng tubig dahil laging kinakapos ang tubig na pinadadaloy sa kalakhang Maynila at magsasaka sa Bulacan at Pampanga bawat taon.
Sinabi niya na kung kukumpunihin ang Angat Dam, maaapektuhan ang pagpapadaloy ng tubig sa kalakhang Maynila at sa mga magsasaka sa lalawigan.
Ito ay dahil sa kakailanganin nilang patuyuan ng tubig ang isang bahagi ng dam para sa konstruksyon ng mas mataas na dike o pilapil ng dam na pipigil sa mas maraming tubig ulan.
Sa kasalukuyan, ang water holding capacity ng dam ay umaabot sa 216 meter, ngunit pag umabot sa 212 meters ang lalim ng tubig sa dam ay nagpapatapon na ito.
Ang tubig na pinatatapon o pinadadaloy ng dam sa spill way nito kapag tag-ulan ay nasasayang lamang dahil tuluyan iting dumadaloy patungo sa Manila Bay.
Ayon kay German, ang mas posibleng solusyon sa kasalukuyang problema sa tubig ay ang dredging o pagpapalalim sa dam, o kaya ay ang konstruksyon ng mas maliliit na dam sa ibaba nito na siyang magtitinggal ng mga pinatapong tubig kung tag-ulan.
“Dalawa hanggang tatlong mini-dam ang puwedeng itayo sa downstream ng Angat at ipo Dam,” ani German.
Sinabi niya na ang mga mini-dam ay maaaring itayo sa ilog sa pagitan ng mga bundok na nasa kahabaan ng Ilog Angat sa pagitan ng Ipo at Bustos Dam.
Sa kasalukuyan, ang tubig na pinatatapon ng Angat Dam kapag tag-ulan ay dumadaloy sa Ipo Dam, at sa mas mababang Bustos dam sa bayan ng Bustos.
Ang nasabing tubig ay umaapaw lamang sa Ipo at Bustos Dam at tuluyang nasasayang patungo sa Manila Bay dahil hindi masyadong kailangan ng magsasaka ang tubig kung tag-ulan.
Ayon kay German, makatutugon sa kakulangan ng tubig sa tag-araw ang maititinggal na tubig sa panahon ng tag-ulan.
Bukod dito, maari ding lagyan ng mga turbinang lilikha ng kuryente ang mga mini-dam na itatayo.
Ang panukalang magtayo ng mini-dam sa kahabaan ng Ilog Angat ay nagmula sa magsasakang Bulakenyo na nanghihinayang sa dami ng tubig na pinatatapon ng dam kung panahon ng tag-ulan.
Inihalimbawa na matapos manalasa at mabuhos ng sobra-sobrang ulan ang bagyong Ondoy noong Setyembre, ay nahaharap naman sa tag-tuyot ang mga bukirin sa lalawigan ngayon hatid ng El Niño.
Ayon sa mga magsasaka, kung nasahod lamang at naitinggal ang tubig na pinatapon mula sa dam noong Setyembre ay hindi sana sila kinapos ng patubig ngayon.
Sinabi rin nila na kung may dagdag na dam sa ibaba ng Angat Dam, naiwasan din sana ang paglubog ng mga barangay sa baybayin ng may 50-kilometrong Ilog Angat na dumadaloy mula sa kabundukan ng Sierra Madre sa may Angat Dam patungo sa Manila Bay sa kanlurang bahagin ng lalawigan.