Home Headlines Pagtatag ng R&D center ng sibuyas isinusulong sa Kamara

Pagtatag ng R&D center ng sibuyas isinusulong sa Kamara

878
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN — Isinusulong ngayon ng isang mambabatas mula sa Nueva Ecija ang pagtatag ng Philippine Onion Research and Development Center (PORDC) upang palakasin ang industriya ng pagsisibuyas sa bansa.

Batay sa House Bill 3110 (Onion Industry Development Act) na inihain ni Nueva Ecija 3rd District Rep. Ria Vergara, ang PORDC ang magsisilbi na pangunahing ahensiya ng gobyerno na tutulong sa mga magsasaka at iba pang sektor na kabilang at umaasa sa pagsisibuyas.

Ang ikatlong distrito na kinakatawan ni Vergara ay nakasasakop sa bayan ng Bongabon na itinuturing bilang “onion basket” ng Pilipinas.

Pangunahin sa mga tungkulin ng PORDC ang pag-aaral at pananaliksik para sa pagpapalago, produksyon, pamamahala, at pagbebenta ng sibuyas at paglulunsad ng mga pagsasanay at programa para sa mga magsisibuyas upang mas maparami ang kanilang ani, batay sa panukalang batas.

Tungkulin rin ng ahensya na makipag-ugnayan sa Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Department of Science and Technology, at Department of Environment and Natural Resources upang magkakatuwang na lumikha ng mga polisiya at proyekto para sa onion industry ng Pilipinas. Kaugnay nito ay isinusulong rin sa panukalang batas ni Vergara ang opisyal na pagkilala sa bayan ng Bongabon bilang “Onion Capital of the Philippines” dahil sa malaking kontribusyon ng munisipalidad sa pagpapalago ng industriya ng sibuyas.

Sa explanatory note, binigyang-diin ng mambabatas na batay sa mga pag-aaral, ang produksyon ng sibuyas sa Pilipinas ay may average annual growth rate na 4.94% simula 2004 hanggang 2014.

“Moreover, compared to 134,161 metric tons (MT) produced in 2013, the country produced about 240,314 MT for 2018-2019 croppong season,” aniya.

“Now, after having seen the industry’s promising potential and notable performance in the recent years our country cannot therefore on this opportunity. There is no other sound option but to build on our gains,” saad ni Vergara sa kanyang panukala. –

Sa Nueva Ecija, bukod sa Bongabon ay pangalawa sa palay na produkto rin ang sibuyas sa San Jose City, mga bayan ng Sto. Domingo, Rizal, Gabaldon, at iba pang lugar.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here