Pagtampisaw sa irigasyon alternatibo sa beach

    281
    0
    SHARE
    PLARIDEL, Bulacan —- Dahil sa matinding init ng panahon ay nagsipaligo sa tubig irigasyon sa gilid ng kalsada ang mga residente ng Bintog upang maibsan ang alinsangan sa kanilang katawan.

    Sa halip na makipagsiksikan sa mga beach at swimming pool ang mga residenteng ito, nagsipagtampisaw na lamang sila sa patubig ng National Irrigation Administration.

    Kayat nagmistulang resort na rin ang patubig na ito dahil sa dami ng dumarayo upang magsipaligo.

    Kahit na peligroso at walang mga lifeguards ay nagsisipag-dive pa ang mga ito sa patubig.

    Anila, masarap ding maligo sa patubig dahil bukod sa libre na ay malakas pa ang agos na parang wave pool.

    Kahit na ipinagbabawal na ang paliligo dito ay patuloy pa rin silang naliligo dito dahil sa init ng panahon. Batid naman daw nila na delikado ang maligo dito ngunit mas masarap daw ang maligo sa patubig kayat doble ingat na lamang sila.

    Malayo pa daw kasi ang byahe kung sa resort o sa swimming pool pa sila pupunta samantalang kung sa patubig ay lalakarin na lamang nila.

    Hindi naman daw delikado dito sa paliligo at sa mababaw lamang sila nagbababad ng mga bata.

    Delikado lamang daw doon kapag malalim ang tubig.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here