LUNGSOD NG BALANGA — Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga aktibong kaso ng coronavirus disease sa Bataan na umabot na nitong Biyernes sa 531 mula sa 400 noong Huwebes at 283 noong Miyerkules.
Ang mga aktibong kaso ay mula sa Balanga City – 141, Dinalupihan – 84, Mariveles – 72, Limay – 61, Orani – 54, Samal – 35, Pilar – 24, Hermosa – 19, Abucay – 14, Orion – 12, Bagac – 8, at Morong – 7.
Sa huling ulat ng provincial health office na inilabas ngayong Sabado, umakyat sa 30,055 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa Covid – 19 matapos magtala ng 134 na mga bagong kumpirmadong kaso.
Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay mula sa Balanga City (39), Dinalupihan (30), Mariveles (18), Samal (13), Limay (12), Hermosa (7), Orani (5), Abucay (3), Bagac (3), Morong (2), at Pilar (2).
Dalawa ang nadagdag sa listahan ng mga gumaling na tig-isa sa Limay at Mariveles kaya umabot na sa 28,308 ang lahat ng mga nakarekober.
Tumaas sa 1,216 ang bilang ng mga nasasawi nang magkaroon ng isang bagong namatay na 45-anyos na lalaki mula sa Balanga City.
Pinayuhan ni Gov. Albert Garcia ang kanyang mga kababayan na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Covid – 19, sa oras na makaramdam ng mas nakababahalang sintomas ay agad na sumangguni sa health professionals sa kanilang lugar.
Sinabi ng governor na batay sa datos ng PHO, maliit na bilang lamang sa mga fully-vaccinated ang nagkakaroon ng Covid – 19. Sa may kumpletong bakuna, 98.74 percent ang nagkaroon ng sakit samantalang 1.26 porsyento ang tinamaan ng virus.