‘Pagsusuri sa katatagan ng Angat dam bilisan’

    396
    0
    SHARE
    CALUMPIT, Bulacan—Upang maiwasan ang trahedya, dapat mabilisin ng gobyerno ang pagsasagawa ng pag-aaral sa katatagan ng Angat dam na nakaupo sa ibabaw ng Marikina West Valley Fault line.

    Ito ang naging pahayag ni Senador Juan Miguel Zubiri sa isang panayam bago siya magsalita sa araw ng pagtatapos ng mga mag-aaral ng Collegio de Calumpit noong Huwebes ng gabi.

    “I am glad the National Power Corporation finally agreed to have Angat dam structure inspected,” ani Zubiri.

    Sinabi niya na kahit nagpahayag ng paniniwala ang mga opisyal ng National Power Corporation (Napocor) sa katatagan ng dam, hindi dapat ipagwalang bahala ang posibilidad ng paglindol na may lakas na magnitude 7.2 hanggang 7.5 kung sakaling gumalaw ang fault line.

    “I fear a large disaster or catastrophe may happen especially in case the west valley faultline moves,” ani ng senador.

    Batay sa naunang pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), anumang oras ay maaaring gumalaw ang west valley fault line.

    Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, ang nasabing fault line ay gumagalaw tuwing ika-200 hanggang ika-400 taon. Tapos na ang ika-200 taon ngunit hindi gumalaw ang west valley fault line.

    “The government must hasten study on the integrity of Angat dam structures for us to come up with certain course of action.  Unless we do that, we will not be able to plan for the worst,” ani Zubiri.

    Ganito rin ang paulit-ulit na mensahe ni Bulacan Governor Wilhelmino Alvarado mula pa noong 2008.

    Sa panayam, ipinaliwanag ni Alvarado na hindi sa tinatakot nila ang mga tao, sa halip, sinabi niya na “it’s the right thing to do.”

    “If the Angat dam is structurally sound like the Napocor claims that it can stand a magnitude 7.2 earthquake, well and good, however, if it is not, then we have a problem,” ani ng gobernador.

    Katulad ni Solidum, nagbabala si Alvarado na hindi imposible ang trahedya kung mababasag ng malakas na lindol ang dike ng dam na yari sa mga bato at lupa (rock and earth-filled dam).

    Ayon kay Alvarado, ang mga Bulakenyo ang unang mapipinsala ng raragasang tubig mula sa dam, ngunit mawawalan naman ng tubig inumin ang may 13-milyong residente ng kalakhang Maynila.

    Sa kasalukuyan, ang 97 porsyentong inumin ng kalakhang Maynila ay nagmumula sa Angat dam sa bayan ng Norzagaray, Bulacan.

    Binanggit din ni Alvarado na ang unang nagpahayag ng pagkabahala sa posibilidad na masira ng lindol ang Angat dam ay ang Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS).

    “The MWSS said that the Angat dam is sitting on top of the Marikina West Valley faultline and they used that to justify the construction of the Laiban Dam in Rizal as possible alternative for Metro Manila’s drinking water,” ani ng gobernador.

    Iginiit pa niya na walang magagawa ang mga Bulakenyo kung sakaling masira ang dam at rumagasa ang tubig, maliban sa magdasal.

    “We have to pray now so that it may not happen, but the government must still pursue independent study on the integrity of the Angat Dam structures,” ani Alvarado.

    Una rito, sinabi ni Froilan Tampinco, ang presidente at CEO ng Napocor na nagkaroon ng verbal agreement ang MWSS, Napocor at ang Power Sector Assets and Liabilities Management (Psalm) para sa pagsasagawa ng isang indipendienteng pag-aaral sa katatagan ng Angat dam.

    Sinabi rin ni Tampinco na dapat isagawa ang pag-aaral sa lalong madaling panahon.

    “We believed that Angat dam is structurally sound and can stand a magnitude 7.2 earthquake, but we also admit that earthquake these days are getting more powerful and frequent,” ani Tampinco. 


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here