Masakit tanggapin ang katotohanan
Na naging palasak na sa atin bilang
Mga Pilipino, itong kung kailan daw
May kalamidad ay masaya ang ilan?
Sinong matino ang basta sasangayon
Sa ganyang pahayag, na ang ibang Pinoy
Ay ikagagalak ang isang situasyong
Gaya ng iniwang pinsala ni Ondoy?
Na kung saan di lamang ang kabuhayan
At pamamahay ng mga mamamayan
Ang nasalanta sa paghagupit po n’yan,
Kundi kumitil din ng maraming buhay.
Dulot ng biglaang pagbaha sa halos
Lahat na ng lugar sa iba’t-ibang sulok
Ng Metro-Manila at karatig pook,
Kung saan maraming tao ang nalunod.
Dala ng mabilis na pagragasa r’yan
At paglaking bigla ng baha sa lugar,
Kaya inanod ng agos itong ibang
Sinamangpalad na walang makapitan.
Habang sila’y nagpipilit makatawid
Sa rumaragasang baha sa paligid;
Bitbit ang pamilya at iba pang gamit
Papunta kung saan ligtas sa panganib.
Pero bunsod nga nitong napakabilis
Na pag-apaw pati ng daluyang tubig,
Patungo sa ilog, gaya ng sa Pasig
At sa Marikina – ang iba’y naipit.
At imbes sila ay hindi mapahamak,
Naging mitsa pa ng kanilang pagtakas
Sa inaakalang panganib na tiyak,
Ang naisip nilang makapagliligtas;
Sa kanilang buhay at ari-arian,
Noong kasagsagan ng hangin at ulan
Partikular itong sa mababang lugar
At sa gilid lang ng ‘creek’ naninirahan.
Kung saan mayrun mang mga kagamitan
Na naisalba ang ibang tinamaan,
Ay siya namang tila ‘pinagpyestahan’
Nitong ‘masaya’ sa pangyayaring ganyan.
Pagkat ang naiwang mga kasangkapan
Sa bahay ng mga nag-“evacuate” po r’yan,
Ay sinamantala namang nakawin d’yan
Kaya’t bale-wala ring nailigtas yan.
(Na kagaya nitong ibang nagsilikas,
Bitbit ang anumang gustong mailigtas,
Pero inanod din naman po at sukat
At nilamon ng baha ang lahat-lahat.)
Di na ba nagkarun ng kahit kakaunting
Awa itong ilang kababayan natin,
At nagawa pa nga po nilang nakawin
Ang gamit ng ibang biktima pa mandin;
Ng matinding kalamidad na tumama
Sa ‘ting Inang Bayang lubhang nasalanta;
Na siya namang tila sinasamantala
Ng iba na walang matinong magawa?
Kundi hangarin pang mapa’sa kanila
Ang kakaunting yaman nating naisalba;
Kung saan animo’y kinagagalak pa,
Ang ganyan ng mga halang ang kaluluwa!
Na naging palasak na sa atin bilang
Mga Pilipino, itong kung kailan daw
May kalamidad ay masaya ang ilan?
Sinong matino ang basta sasangayon
Sa ganyang pahayag, na ang ibang Pinoy
Ay ikagagalak ang isang situasyong
Gaya ng iniwang pinsala ni Ondoy?
Na kung saan di lamang ang kabuhayan
At pamamahay ng mga mamamayan
Ang nasalanta sa paghagupit po n’yan,
Kundi kumitil din ng maraming buhay.
Dulot ng biglaang pagbaha sa halos
Lahat na ng lugar sa iba’t-ibang sulok
Ng Metro-Manila at karatig pook,
Kung saan maraming tao ang nalunod.
Dala ng mabilis na pagragasa r’yan
At paglaking bigla ng baha sa lugar,
Kaya inanod ng agos itong ibang
Sinamangpalad na walang makapitan.
Habang sila’y nagpipilit makatawid
Sa rumaragasang baha sa paligid;
Bitbit ang pamilya at iba pang gamit
Papunta kung saan ligtas sa panganib.
Pero bunsod nga nitong napakabilis
Na pag-apaw pati ng daluyang tubig,
Patungo sa ilog, gaya ng sa Pasig
At sa Marikina – ang iba’y naipit.
At imbes sila ay hindi mapahamak,
Naging mitsa pa ng kanilang pagtakas
Sa inaakalang panganib na tiyak,
Ang naisip nilang makapagliligtas;
Sa kanilang buhay at ari-arian,
Noong kasagsagan ng hangin at ulan
Partikular itong sa mababang lugar
At sa gilid lang ng ‘creek’ naninirahan.
Kung saan mayrun mang mga kagamitan
Na naisalba ang ibang tinamaan,
Ay siya namang tila ‘pinagpyestahan’
Nitong ‘masaya’ sa pangyayaring ganyan.
Pagkat ang naiwang mga kasangkapan
Sa bahay ng mga nag-“evacuate” po r’yan,
Ay sinamantala namang nakawin d’yan
Kaya’t bale-wala ring nailigtas yan.
(Na kagaya nitong ibang nagsilikas,
Bitbit ang anumang gustong mailigtas,
Pero inanod din naman po at sukat
At nilamon ng baha ang lahat-lahat.)
Di na ba nagkarun ng kahit kakaunting
Awa itong ilang kababayan natin,
At nagawa pa nga po nilang nakawin
Ang gamit ng ibang biktima pa mandin;
Ng matinding kalamidad na tumama
Sa ‘ting Inang Bayang lubhang nasalanta;
Na siya namang tila sinasamantala
Ng iba na walang matinong magawa?
Kundi hangarin pang mapa’sa kanila
Ang kakaunting yaman nating naisalba;
Kung saan animo’y kinagagalak pa,
Ang ganyan ng mga halang ang kaluluwa!