Pagsampa ng kaso laban sa punong barangay iniutos

    381
    0
    SHARE
    MAGALANG, Pampanga – Taliwas sa naging desisyon ng sangguniang bayan (SB) dito, iniutos ng Provincial Prosecutors Office kamakailan ang pagsampa ng kasong kriminal laban sa punong barangay ng Sta. Cruz at sa kanyang kagawad.

    Ayon kay Provincial Prosecutor Lamberto A. Gonzalez Jr. na sinangayunan ni Associate Provincial Prosecutor Desiree S. Magno-Salomeo, dapat sampahan ng kasong physical injuries sina Barangay Captain Junnel G. Malonzo at Kagawad Arnel Santos sa Municipal Circuit Trial Court.

    Pinabulaanan ng provincial prosecutor ang desisyon na pagpapawalang sala ng SB, na pinangungunahan ni Vice Mayor Norman Lacson, laban sa kasong isinampa ni Trinidad P. Gonzales, isang negosyante at dating gobernong Kiwanis Club, laban kina Malonzo at Santos.

    Samantala, ang kasong “direct assault” at “alarm and scandal” na isinampa naman ni Malonzo at Santos laban kay Gonzales ay ibinasura naman dahil sa lack of probable cause.

    Sinabi naman ni Gonzales na naisampa na niya ang kaukulang kaso sa Municipal Circuit Trial Court ng Mabalacat- Magalang laban kina Malonzo at Santos.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here