Home Headlines Pagpasok ng droga sa Provincial Jail nabuking

Pagpasok ng droga sa Provincial Jail nabuking

710
0
SHARE

IBA, Zambales — Nabuking ng mga jail guard na nakatalaga sa Zambales Provincial Jail ang tangkang pagpasok ng droga sa isinagawang inspection sa pagkain na ipinadala mula sa isang tricycle driver nitong Martes dakong alas-11 ng umaga.

Batay sa salaysay ng jail guard sa Iba PNP at PDEA, ipinaabot ng tricycle driver na si Joseph Caldejon, 37, residente ng Purok 5, Barangay San Agustin, Iba ang dalang pagkain sa dalawang preso na sasalubong dito.

Sa isinagawang inspection ng jail guard, natuklasan na siyam na plastic sachet ng hinihinalang shabu ang nakapaloob sa cup noodles at tinapay na ensaymada na tumitimbang ng 11 gramo na nagkakahalaga ng P66,000.

Dahil dito, humarurot kaagad ang tricycle driver papalayo sa lugar.

Sa isinagawang follow up operation ng pulisya ang tricycle driver ay nasakote sa kanilang paradahan sa Barangay Amungan, Iba, at todo tanggi itong walang kinalaman sa pagpapasok ng droga sa Zambales Provincial Jail.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang nag-utos sa tricycle driver na magdala ng pagkain sa provincial jail. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here