Home Headlines Pagpapaunlad ng mga katutubong pamayanan, tututukan

Pagpapaunlad ng mga katutubong pamayanan, tututukan

548
0
SHARE
Lumahok ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa idinaos na pagtalakay sa mga isusulong na programa para sa mga katutubo sa pangunguna ng National Commission on Indigenous Peoples para sa mga lalawiagn ng Aurora, Bulacan at Nueva Ecija. (NCIP)

LUNGSOD NG PALAYAN (PIA) — Sa ginawang balangkas ng National Commission on Indigenous Peoples o NCIP ay hangad na mapalakas at mapaunlad ang mga katutubong pamayanan sa buong bansa.

Pinangunahan mismo ni NCIP Chairperson Allen Capuyan ang pagdaraos ng “Healing Reconciliation and Operationalizing the 11 Building Blocks in the Ancestral Domain in support of Executive Order 70” na dinaluhan ng mga katutubo mula sa mga lalawigan ng Aurora, Bulacan at Nueva Ecija, at ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Capuyan, ang mga ancestral domain o AD ay mayaman sa natural resources, eco-tourism destination, political infrastructure, iba’t ibang industriya na bahagi sa pagpapaunlad ng bansa na patuloy iniingatan ng mga katutubo.

Aniya, ang idinaos na aktibidad ay unang bahagi pa lamang ng kampanya na layuning lubos na maipaunawa sa mga katutubo at mga ahensiyang katuwang ng NCIP ang kahalagahan ng pagtataguyod at pagtutok sa mga programang nakapaloob sa 11 building blocks tungo sa hangaring maging responsive, resilient at makasama sa pag-unlad ng bansa ang bawat katutubong pamayanan.

Ilan sa mga nakapaloob sa 11 building blocks ang pagkakaroon ng confirmation of Indigenous Political Structure, registration and accreditation of Indigenous Peoples Organization, Certificate of Ancestral Domain Title/ Certificate of Ancestral Land Title Delineation Process, establishment of AD Management Office, AD Sustainable Development and Protection Plan, Community Resource Management Development Plan, effective Indigenous Peoples Mandatory Representative in local legislative bodies, AD Defense System at iba pa.

Hangad ng NCIP na maikot ang nasa 54 na lugar o AD sa buong Pilipinas upang maipaalam at maipaunawa ang nilalaman ng 11 building blocks.

Matapos ang ginawang talakayan ay asahan sa mga susunod na buwan ang pagtungo ng mga ahensya ng pamahalaan sa pangunguna ng NCIP sa mga katutubong pamayanan at mga lokal na pamahalaan upang maibalita at makasama sa mga pagpaplano at mga gagawing hakbang tulad ang mga kailangang pag-aaral na pagbabatayan ng mga programang ipatutupad tungo sa pagpapaunlad ng mga komunidad.

Pahayag ni Capuyan, ang mga katutubo ay nagdusa na sa humigit 100 taong historical injustice, hindi kinilala ang mga karapatan bilang isang pamayanan at nakaranas pa ng demoralization.

Kaya nagkaroon din aniya ng Batas Republika Bilang 8371 o mas kilalang Indigenous People’s Rights Act upang matuldukan ang mga maling pagturing sa mga katutubo at maitama ang mga kaisipan tungkol sa sektor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here