Home Headlines Pagpapalisensiya ng baril pinag-iibayo

Pagpapalisensiya ng baril pinag-iibayo

495
0
SHARE
San Antonio Vice Mayor Julie Maxwell. Photo: Armand Galang

SAN ANTONIO, Nueva Ecija – Umaabot sa mahigit 11,000 ang loose firearms o mga baril na hindi pa nari-renew ang lisensiya sa Nueva Ecija, ayon sa isang opisyal ng Police Regional Office 3.

Sinabi ni Major Madtaib Jalman, hepe ng firearms and explosive section ng Regional Civil Security Unit-PRO 3, na patuloy nilang pinag-iibayo ang pagsasagawa ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF) caravan upang mapadali ito sa mga gun owners.

Kaugnay nito ay tatlong sunod-sunod araw ng LTOPF caravan sa Nueva Ecija na nagsimula sa bayang ito noong Martes at sumunod sa SM City Cabanatuan at sa Nueva Ecija police provincial office.

Nilinaw ni Jalman na bukod sa renewal ay ipinupruseso rin sa caravan ang mga documento para sa mga wala pa subalit nais bumili ng baril.

“Napakahalaga po (ng caravan) kasi nakakatulong tayo sa ating kababayan dito na kung saan ‘yung hindi nakakapunta sa Camp Crame dahil sa malayo ay dito na po ma-renew yung kanilang expired na firearms (license),” sabi ni Jalman

Target ng caravan na makapag-rehistro ng hindi kukulangin sa 150 gun owner bawat araw.

Sa panig ng pamahalaang lokal, nagpahayag ng pasasalamat si Vice Mayor Julie Maxwell ng bayang ito, sa ginhawa na inihatid ng LTOPF caravan sa kanilang mga kababayan.

Sadya aniyang itinaguyod ng LGU sa pangunguna ni Mayor Arvin Salonga at ng pribadong organisasyon na Fraternal Order of Eagles.

Isa sa mga ginhawa sa caravan ay ang pagkakaroon ng neuro psychiatric examination sa venue na sa ordinaryong araw ay makukuha lamang sa Camp Olivas, Pampanga at sa Camp Crame.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here