Home Headlines Pagpapalawig ng RCEF isusulong ni Villar

Pagpapalawig ng RCEF isusulong ni Villar

1234
0
SHARE
Sen. Cynthia Villar sa panayam ng media. Kuha ni Armand Galang

SCIENCE CITY OF MUÑOZ – Kumbinsido si Sen. Cynthia Villar, chairperson ng Senate committee on agriculture and food, na dapat palawigin ng gobyerno ang programa sa pamamahagi ng suporta, kabilang ang binhi, makinarya at pagsasanay, sa mga magsasaka upang isulong ang kasapatan sa pagkain.

Ayon kay Villar, nakahanda siyang maghain ng panukalang batas upang ipagpatuloy ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ngayong matatapos na ang limang taon na implementasyon ng programa.

Sa ilalim ng RCEF ay inilaan ang P10-bilyon na bahagi ng taunang taripa na nakukulekta mula sa importasyon ng bigas alinsunod sa RA 11203 (Rice Tariffication Law) na ipinasa noong 2019.

Si Villar ay dumalo sa 2023 RCEF Seed & Extension Programs Annual Review sa CBC Plenary Hall, ng Philippine Rice Institute (PhilRice) sa lungsod na ito na pinagunahan ni PhilRice executive director John De Leon.

“I have to renew this because it’s only for five years so this 2024 I have to file a bill to continue the RCEF,” aniya.  

“Siyempre pag magri-renew ka, you have to justify so we have to make a review on how they improve the productivity and how they improve the mechanization para bumaba ‘yung presyo ng pag-produce nila ng rice, lumaki ang kita ng farmers at lumaki rin ang production ng rice para bumaba ‘yung importation,” dagdag pa ni Villar.

Ang PhilRice ang inaatasan na manguna sa pamamahagi ng inbred rice seeds sa ilalim ng RCEF Seed Program at co-lead ng RCEF Extension Program.

Sa ngayon, ayon kay Villar, ay may mahigit 600 varieties ng palay ang ipinamamahagi sa buong bansa, kung saan 101 ay inbred varieties at ang PhilRice ay nakalikha ng 29 na uri ng inbred sa ilalim ng RCEF.

 Simula 2020 Dry Season hanggang  2023 Dry Season, ay matagumpay umanong naisagawa ng PhilRice ang RCEF Seed Program, kung saan mahigit 15.25 million bags ng certified seeds ang naipamahagi sa may  dalawang milyon na repeat farmer-beneficiaries sa 77 lalawigan ng Pilipinas.

Napalawak ang distribusyon ng certified seeds mula sa 42 ay naging 77 probinsiya; nakalikha ng mga bagong solusyon sa mga alalalahaning pang-agrikultura tulad ng Rice Seed Monitoring System at Binhi e-Padala na nailahok bilang pangunahing aspeto ng RCEF, ayon pa kay Villar.

Batay pa rin sa datus, 66 na kooperatiba at asosasyon ng seed growers ang napalakas at naging katuwang ng PhilRice sa propagasyon at pamamahagi ng certified seeds ng inbred varieties at nakalikha ng 704 na PalaySikatan technology demonstration sites sa nagdaan na walong panahunan o season.

“We have yet to experience more output of palay per hectare at lower production cost under the Rice Tariffication Law. Before the RTL, in 2018, the national average production per hectare no distinction to inbred and hybrid per PSA is 3.97 metric tons vs. published average output per hectare in 2022 of 4.11 metric tons per hectare. When RTL started in 2019, it has been consistently going up. (4.05 in 2019, 4.09 in 2020, 4.15 in 2021). Hence, I am sponsoring the RTL extension bill and I look forward to Phil Rice support on this,” pahayag ni Villar sa harap ng agriculture stakeholders.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here