Pagpapakasal ni Alma Moreno sa Marawi City mayor tinangkang itago sa publiko

    414
    0
    SHARE
    Kami ang unang naglabas ng tungkol sa bagong lover noon ni Alma Moreno na siyang mayor ng Marawi City. We stumbled upon Alma’s group sa Library nang minsan naming i-escort ang mga kamag-anak na balikbayan na suki ng bar tuwing uwuuwi sila rito sa Pinas.

    When Alma came up the stage to sing bilang promo ng concert nila nitong nakaraang Valentines Day ni Rico Puno, panay ang tukso sa kanya ng mga sing-along masters. “Kayo talaga, mamaya mo, may reporter dito, kung anu-ano na naman ang lumabas.”

    Agad naming sinudansa table nila si Alma to interview.  “Sinasabi ko na nga ba,” sabay halakhak nito.

    “Naku, biro lang nila ‘yun, not true,”sabi pa nito.

    Ayon kay Alma hindi raw siya ang kasama ng mayor. Yung mga staff daw niya ang may kaibigan dito at sabit lang siya sa lakad. 

    Pero sumpa man, naggo-glow ang mga mata ni Alma who was a little bit tipsy at halatang in na in love on that early January encounter. Kami, sa una pa lang nainiwala na kaming special talaga ang pagtitinginan nila nung mayor na kasama niya. Guwapo naman at kasing edad lang ni Alma ang lalaki at sa tingin naming, bagay na bagay nga sila.

    Heto na, lumabas na si Alma at inihayag na nitong ikinasal na nga sila nung mayor. Nasa tingin ni Alma ngayon,  hangga’t maaari, sana’y  gusto niyang maging sikreto lang ang lahat.  Pero wala na raw siyang magagawa dahil nag-leak na nga ito.

    Sa ngayon, isang bonggang kasalan ang inaasahang magaganap kahit na kasal na sila sa huwes. Ang hindi lang natin matiyak ay kung dito sa sa Metro Manila o sa Marawi City gagawin ang kasalan.

    Muslim po yung bagong dyowa ni Alma. Would this mean that she would convert to the Moslem Religon in due time?


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here