BOTOLAN, Zambales – Mahigit sa P175 milyon ang gagastusin sa gagawing rekonstruksyon sa nawasak na dike sa Bocao River na siyang dahilan para malubog sa tubig baha mula sa Mt. Pinatubo ang 10 barangay ng nasabing bayan.
Ayon kay Zambales Gov. Amor Deloso, ang halaga ng rekonstruksyon ay para sa dike na may habang 800-metro.
Aabot naman sa P30 milyon ang gagastusin ng pamahalaan sa pagpapaayos sa nawasak na kalsada sa Barangay San Juan na siyang unang timaan ng malakas na pag-agos ng tubig baha na siyang kumalat sa iba pang barangay ng Botolan.
Idinugtong pa ng gubernador na hanggang hindi naayos ang dike ay hindi huhupa ang tubig sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Carael.
“Ang gagawin diyan ay lalagyan ng “steel bridge” para makatawid yung mga tao patungo sa limang bayan ng Northern Zambales gayun din yung mga magtutungo ng Olongapo City at Maynila”, dagdag pa ng gobernador.
Sinisikap naman ng mga rescue team mula sa Philippine Coast Guard (PCG) Subic Station, Philippine Army, PNP-SAF at Navy na maitawid sa pamamagitan ng “rubber boat” ang mga na-stranded na pasahero.
Nanantiling sarado parin sa trapiko ang nasabing lugar dahil sa napakalakas na agos ng tubig.