PAGLINIS SA MARILAO RIVER
    30 araw na taning

    441
    0
    SHARE
    MARILAO, Bulacan – Makaraang tawaging isang dumpsite ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Lito Atienza ang Marilao river ay nagpalabas naman ng kautusan ang mga opisyal ng Environment Management Bureau (EMB) para sa pamahalaang bayan dito ng 30 araw upang linisin ang naturang ilog.

    Nakapaloob din sa 30 araw na kautusan ng EMB ang pagtalima sa RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.

    Noong Biernes ay tinipon ng EMB officials ang mga opisyales ng Marilao at iba pang bayan sa Bulacan tulad ng Sta.Maria, Meycauyan City at maging ang Caloocan at Valenzuela City na hindi nakakatugon sa RA 9003 at tinaningan lamang ng 30 araw upang makatugon dito.
     

    Ayon kay Marilao Mayor Epifanio Guillermo, kailangang sumunod sa kautusan at maganda naman ang ipinaguutos ng EMB at madaling maisa-saayos ang dump site sa kanilang lugar.

    Binigyang diin pa ni Guillermo na bago pa man inilabas ang naturang kautusan ay matagal na nilang nililinis ang kailugan sa Marilao partikular na ang Prenza dam na naiipunan ng tone-toneladang mga basura araw-araw.

    Ngunit aniya, halos lahat ng basurang nakalutang sa Prenza Dam ay hindi galing sa mga residente ng Marilao kundi sa ibang lugar na dinadaanan ng kailugan.

    Tumanggi namang tukuyin ni Guillermo ang mga bayan at lungsod na kunektado sa kanilang kailugan na siya umanong pinagmumulan ng tone-toneladang mga basura at sa halip ay nanawagan na lamang ito na magtulungan upang makasunod sa atas ng EMB.

    Matatandaan na ipinahayag ni Atienza na higit pang lumalala ang kalagayan ng ilog Marilao mula ng mapabilang ito sa listahan ng 30 dirtiest places in the world noong Oktubre 2007 na ipinalabas ng Blacksmit Insitute na nakabase sa New York.

    Ngunit ayon nga sa DENR, hindi lamang sa bayan ng Marilao nagmumula ang mga basura ditto. May posibilidad din na sa mga barangay na nasasakop ng Caloocan City, Quezon City sa Metro Manila, at sa Meycauyan San Jose Del Monte City sa Bulacan.

    Nang huling bisitahin ni Atienza ang Marilao river noong ika-29 ng Marso, 2009 kaugnay ng selebrasyon ng Philippine Water week ay nagbabala ito sa mga lokal na opisyal na maari silang kasuhan kung hindi maipatutupad ang ang mga batas pangkalikasan.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here