Home Headlines Paglilinis ng putik matapos humupa ang baha sa Hermosa

Paglilinis ng putik matapos humupa ang baha sa Hermosa

725
0
SHARE

HERMOSA, Bataan: Humupa na ang ang malaking baha sa bayang ito at naglilinis ng putik at duming iniwan ng baha ang mga tao sa Barangay Daungan ngayong Lunes, July 31.

Nagpipilit lumitaw ang araw ngunit panaka-nakang bumubuhos pa rin ang mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan.

Wala ng baha sa kalakhang bahagi ng Daungan ngunit may parte pa rin ito papasok sa Barangay Almacen kung saan hanggang tuhod pa rin ang baha.

Hindi pa rin makalabas at makapasok sa Almacen ang kahit tricycle dahil hanggang tuhod pa rin ang lalim ng tubig sa kalsada nito kaya naglalakad na lamang ang mga tao.

Patuloy sa paglilinis si Elena de Leon na tumutulong sa  kanyang kaanak sa Daungan na ang lalim daw ng tubig noong nakaraang araw ay halos kasing- taas ng tao.

Sinabi ng naglalakad na si Norgie Layug ng Almacen na medyo Ok na ang tubig sa kanilang kalsada na hanggang tuhod na lamang ang laim samantalang sa mga bahay nila ay mas mababaw na.

Pinangunahan naman ni Daungan Punong Barangay Edgar Rivera ang paglilinis gamit ang malaking hose ng tubig.

Sinabi ni Rivera na kahapon, Linggo, bandang alas-5 ng hapon, unit-unting humupa ang baha sa Daungan na umabot ang lalim ng hanggang dibdib.  “Sana huwag ng umulan dahil kapag umulan na naman ng malakas, lalaki na naman ang tubig.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here