Paglaban sa bentahan ng karneng botcha kasado na

    381
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS – Isang pulong ang ikinakasa ng Bulacan sa Miyerkoles laban sa pamamayagpag ng bentahan ng “botchang karne” habang nalalapit ang kapaskuhan.

    Ito ay upang mabigyang proteskyon ang industriya ng hog raising at ang mamimili ng karne sa kalakhang Maynila, kung saan ang 60 porsyento ng karneng baboy na ibinebenta ay nagmumula sa Bulacan.

    Ang dayalogo ay isasagawa sa Miyerkoles (Disyembre 8) at inaaasahang dadaluhan ng mga may-ari ng higanteng hog farm sa lalawigan, mga beterinaryo, pulis at local na opisyal.

    Ito ay matapos  ang magkakasunod na insidente ng pagkakadakip sa mga nagbibiyahe ng karneng botcha mula sa Bulacan noong nakaraang linggo.

    “We are holding a dialogue with local hog raisers and other stakeholders on Wednesday because we are duty bound to protect the industry and consumers alike,” ani Gob. Wilhelmino Alvarado.

    Sinabi niya na ang mga sindikatong sangkot sa pagbibiyahe at pagbebenta ng karneng botcha ay karaniwanang namamayagpag kapag nalalapit ang kapaskuhan dahil sa marami ng namimili ng karne.

    Ayon kay Alvarado ang iligal na gawaing ito ng ilang tao ay maaaring maging dahilan ng pagbagsak ng industriyang nagpipilit na bumangon sa ibat-ibang hamon sa nagdaang taon.

    Matatandaan na noong 2007 ay nanalasa sa Bulacan ang mga sakit na hog cholera at swine flu na ikinamatay ng maraming baboy.

    Noong 2008, nadiskubre naman ang sakit na ebola reston sa isang babuyan sa bayan ng Pandi, na nasundan pa ng mapanirang pagbahang hatid ng bagyong Ondoy noong nakaraang taon.

    Ayon kay Alvarado, ang pagbibigay ng proteskyon sa mga hog raisers sa Bulacan ay isa ring proteksyon sa mga mamimili sa kalakhang Maynila dahil makatitiyak na walang double dead o karneng botcha na mabebenta doon mula sa Bulacan.

    Sa kasalukuyan ay inatasan na niya ang pulisya sa Bulacan upang higit na paigtingin ang pagmamatyag sa mga lansangan sa mga nagbibiyahe ng karneng botcha.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here