Pagkukumpuni sa NLEX sinimulan na

    329
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sorry for the inconvenience.

    Ito ang mensahe sa mga karatulang karaniwang mababasa sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) ngayon dahil sa isinasagawang mga pagkukumpuni.

    Ayon kay Ramoncito Fernandez, ang pangulo ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang nasabing pagkukumpuni ay bahagi ng kanilang long term maintenance sa expressway na gugugulan ng halos P100-milyon.

    Ang MPTC ay ang mother company ng Manila North Tollways Corporation (MNTC) na siyang may hawak ng konsesyunaryo sa NLEX, at Traffic Management Corporation (TMC) na siyang namamahala sa operasyon sa nasabing expressway.

    Ayon kay Fernandez, halos P100-milyon ang gagastusin ng MPTC sa pagkukumpuni sa NLEX sa taong ito.

    Ang nasabing pagkukumpuni ay tatagal ng pitong taon, ngunit hindi pa niya binanggit kung magkano ang kabuuang halaga na magugugol nila.

    Ipinaliwanag ni Fernandez na ang pagkukumpuni sa NLEX ay para sa maayos na biyahe ng mga motorist.
    Sa kasalukuyan, umaabot sa mahigit 100,000 sasakyan ang dumadaan sa NLEX bawat araw.

    “If we will not do maintenance, motorists will suffer, and their travel will not be as fuel efficient as it meant to be,” ani Fernandez.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here