Home Headlines Pagkapanalo ng SEA Games gold, panalo rin ng mga OFWs — Hidilyn

Pagkapanalo ng SEA Games gold, panalo rin ng mga OFWs — Hidilyn

621
0
SHARE

Mula sa kanyang pagkapanalo ng gold sa Women’s 55-kg category sa weightlifting sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam nung nakaraan Huwebes, binahagi ni Hidilyn Diaz na aware sya na ang tagumpay niya ay hindi naiiba sa kwento ng mga Overseas Filipinos na araw-araw sumasabak sa laban ng buhay sa abroad habang malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

Mas matindi pa nga raw ang nararanasan ng mga kabayan abroad lalo na noong nagkaroon ng pandemya. May ibang natigil sa trabaho pero hindi pa rin umuuwi sa Pilipinas dahil iniisip ang kalagayan ng pamilya at may iba namang nagdodoble-kayod para madagdagan ang income-–bagay na hinahangaan ni Hidilyn sa kapwa Pinoy.

“We take it day-by-day and we continue with our dreams. Talagang akma yung linyang we find ways eh. Hindi ka dapat bumitaw kase may paraan para maitawid ang buhay,” paliwanag ni Hidilyn na isang brand ambassador ng BDO Unibank.

Binigyan diin din nya ang kahalagahan ng pagdadasal at suporta mula sa pamilya’t mga kaibigan upang malagpasan ang anumang pagsubok— maging sa negosyo man o international sports competition.

“Iba kapag may nakakausap ka. May kasangga ako hindi lang yung coaching team ko kundi pati na rin friends ko. Napakalaking tulong nila. At syempre, hindi mawawala ang inspirasyon na galing sa aking pamilya at ang prayers ko kay God,” ani ni Olympic at ngayo’y SEA Games gold medalist.

Kwento din ni Hidilyn na may mga oras din na umiiyak na lamang siya at tinatanong ang sarili ng “ano ba itong hinaharap ko ngayon? Di ko na yata alam kung paano solusyunan.” Pero sa kabila nito, kinumbinse ni Hidilyn ang sarili na kayang-kaya niyang lagpasan ang mga pagsubok at magiging okay din ang lahat. Ganung mentalidad din ang tumulong sa kanya para makamtan ang pinakahuli nyang gold sa weightlifting.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here