Nauna kay Hazel ‘di ba, nagsalita na rin sina Ai Ai Delas Alas at Jeannette Joaquin na okey lang sa kanila’ng mga tomboy?
Heto na, true kaya ‘yung tsismaks sa amin ng isang source tungkol sa pagkakaroon ng tomboy lovers ng tatlong ageing actresses na sina Alma Concepcion, Lovely Rivero at Glenda Garcia. Ganito ang sitsit sa amin ng source. “Maniwala ka, Kuya Cesar, kilala ko yung isa sa mga tomboy, hindi ko na sasabihing very close ako pero talagang sigurado ako sa sasabihin ko,” panimulang kuwento pa niya.
“Nagulat nga ako, sa edad pa la nilang yun, puwede pa silang pumatol sa tomboy. Kailan lang sa isang birthday party diyan sa malapit sa SM West at Trinoma, kasama ng tatlo ang kanya-kanyang lover na tomboy. Nakita ko mismo, nakikipaglaplapan sila, lips-to-lips kung lips-to-lips ang drama,” dagdag pa ng kausap namin.
Nung kalian daw, nag-outing naman sa Zambalez ang tatlong pares. Very sweet daw talaga sila, na kumbaga, magpa-papa na sila.
“Mayaman yung mga tomboy, sobrang yaman talaga. Ayokong isiping dahil sa yaman kaya pumatol sila. Ang sinasabi ko lang, hindi na talaga bagay na sa kanilang edad na gurang na, pumapatol pa sila. “Kunsabagay, maganda naman sila hanggang ngayon, kaya lang talagang hindi na magandang tingnan,” sabi pa ng source namin.
O e ano naman kaya’ng masama kung may papa mang tomboy sina Lovely Rivero, Alma Concepcion at Glenda Garcia. Malay naman natin, dahil sa sobrang kasawian sa pag-ibig sa lalaki, nadala na sila’t pinili na lamang na sa tomboy pumatol.
Hindi ba, Desiree Del Valle?