Posible kayang magkatotoo ang agam-agam ng marami na makasisira kesa makatutulong kay Sotto ang pagiging maldita ng asawang si Helen Gamboa. You see, well-loved si Tito Sotto ng mga botante at patunay nito ay yung pagiging number one niya kapag tumatakbo siya.
Pero naging kotnrobida na nga si Helen na nagkataong sunud-sunod na. May nag-aalinlangan na baka nga makasira ito sa political career ni Tito Sotto.
Pero siyempre, mismong ang mag-asawang Helen at Tito ay kontra sa paniniwalang ito. At kabilang na rin yung iba nilang supporters.
Sa mismong kuwento ni Helen Gamboa, ipinaliwang niyang marami naman ang nagkakagusto sa kanyang pagiging maldita at kontrabida.
“Awang-awa na daw siya (Tito) kay Susan Roces sa mga pinaggagawa ko,” kuwento ni Helen.
Siya na daw ang most hated actress sa mga teleserye ngayon.
Buti na lang at inabsuwelto siya ni Coco Martin sa pag-amin nito na number one fan na siya ngayon ng dating hindi makabasag-pinggan sing and dance superstar.
“Hindi ko alam ‘yang kay Coco, pero, kung totoo, eh, di nakaka-flatter talaga. I’ll tell Tito Sen about it. Para lalong maging proud siya sa akin,” tawa nang tawa niyang sabi.
By then kinakalimpunan na siya ng iba pang guests na nagsabing maraming actress ang mag-a-ambisyong magkaroon ng role na katulad niya. Pang best actress na raw kasi ang kalidad ng acting niya (calling PMPC , Empress, etc.). Kaya lalong tumaba ang puso niya.
“I beg your pardon lang, hindi po ako most hated. Pag nasa mall ako you will be surprised dahil nagpapa-picture pa sa akin ang mga fans. They love to hate me daw. Hindi daw ako tumitili. Poised na poised pa rin.
At ang mga isinusuot kong damit, gustung-gusto nila.
“Pinaghahandaan ko naman kasi. ‘Pag pumupunta ako sa States, bumibili talaga ako ng mga damit, lalo na kung mayamang mayaman ang role ko.
At hindi ako umuulit ng damit. Minsan ko lang isuot at balik-maleta na iyon. Ganu’n ako ka-serious as an actress. Lahat ng detalye, pinaghahandaan ko.
“At first kasi, ayaw kong gawin ‘yung mga kamalditahang iyon kay Madam Susan.
Dahil nakatatandang kapatid ko siya at siya pa ang tumulong para makapag-aral ako at magkaroon ng magandang buhay. Pero, inagaw ko pa rin sa kanya si Eddie Gutierrez.
“Lalo na noong sasampalin ko si Madam Susan, nakipag-away talaga ako kay Direk Jerry (Sineneng) at Trina Dayrit. Naririnig iyon ni Coco, kasi nauna ko na siyang inaapi-api.
Kaya lang, nanindigan si direk Jerry at kinausap din ako ni sir Deo (Edrinal). Siyempre, nanalo sila. At nagpalakpakan ang buong staff.
Tawa tuloy ng tawa si Coco the next time magka-eksena kami. Minamani-mani ko daw ang mga ayaw kong gawin noon.”
“Madalas pa rin kaming mag-away ni direk Jerry, but I have come to love him. Napapalabas niya kasi ang hindi ko alam na kaya kong gawin.”
Lalong mae-excite si Madam Helen kapag nalaman niyang mae-extend uli ang “Walang Hanggan” dahil sa clamor ng mga televiewers. January kami nag-umpisang i-ere, at August naman magtatapos.
Pero, October na naman daw. Ibig sabihin, breaking the records talaga ang teleserye pinagbibidahan din ni Richard Gomez, Dawn Zulueta, Julia Montes at Coco Martin.