Ang mga KABALEN natin sa Pampanga
ay talagang labis ang PAGKADISMAYA
panukalang batas upang IDEKLARA
na ang Pampanga ang maging KABISERA
ng mga pagkaing masarap ang TIMPLA
kay PANGULONG MARCOS ay hindi pumasa
Ang naging desisyon ng ating PANGULO
upang panukalang batas ay i-VETO
dahil magdudulot lamang DIUMANO
diskriminasyon sa mga PILIPINO
ang ganyang pahayag ay nanggaling mismo
kay PPO USEC. Attorney CLAIRE CASTRO
III.
Pa’no magdudulot ng DISKRIMINASYON
kung ang karamihan ay SUMASANG-AYON
lutong Kapampangan magmula pa noon
ay patok na patok sa panlasang PINOY
hindi lamang dito sa isla ng LUZON
buong Pilipinas sa bawat ng REHIYON
Ano ang masama sa CULINARY BILL?
na naipasa na sa KONGRESO natin
sa kaunlaran ba ay magiging SAGWIL?
kung saka-sakaling ito’y PAGTIBAYIN?
hangad lamang naman nilang PALAKASIN
TURISMO sa bansa hinggil sa pagkain
Totoo namang ang mga KAPAMPANGAN
sa sarap magluto ay MAAASAHAN
ito ay madalas na mapatunayan
sa kahit ano pang uri ng handaan
ito ay pamana na INIINGATAN
mula sa kanilang KANUNU-NUNUAN
Ito’y hindi lingid at batid ng lahat
ng mamamayan ng BANSANG PILIPINAS
LUTONG KAPAMPANGAN ay walang katulad
sa timpla at lasa sadyang DE-KALIDAD
mga dayuhan man kapagka NALASAP
babalik-balikan pagkaing KAYSARAP
VII.
Ang mga pagkain dito sa PAMPANGA
ay bahagi na ng kanilang KULTURA
ang CULINARY BILL pag naging batas na
di lang KAPAMPANGAN ang MAKIKILALA
sa karangalan ang lahat ay KASAMA
bansang PILIPINAS ang MAGTATAMASA