MALOLOS CITY – Iminungkahi ni Bulacan Gob. Wilhelmino Alvarado ang agarang desilting operation o pagpapahukay sa burak sa Angat Dam upang mas maraming tubig ang maitinggal doon kung tag-ulan.
Ngunit ayon sa National Power Corporation (Napocor) na siyang namamahala sa dam, hindi pa kailangan ang desilting operation dahil hindi lumulubog sa burak ang tunnel nito na pinadadaluyan ng tubig na inumin ng kalakhang Maynila at patubig sa magsasaka sa Bulacan.
Ayon kay Alvarado ang siltation o pagkapal ng burak sa bed rock ng dam ay sanhi ng patuloy na pagkakalbo ng kabundukan sa paligid nito sanhi ng hindi mapigil na timber poaching.
“Sa Ipo Dam, mahigit 50 porsiyento o katumbas ng 3,000 ektarya ng mga puno ang pinutol, sa Angat Dam naman ay mahigit 20 porsiyento o katumbas ng 11,000 ektarya, dalawang beses na malaki sa Angat Watershed. That is the reason why Angat Dam and Ipo Dam are silted, ang mga burak ang sumisipsip sa tubig,” ani Alvarado.
Batay sa unang pahayag ni Engr. Rodolfo German, general manager ng Angat River Hydro Electric Power Plant (Arhepp) ng Napocor, umaabot sa kalahating metro ng burak ang nadadagdag sa dam bawat taon.
“Half meter ang average siltation every year, kaya kung 43 years ang dam, nasa 21 meters deep na ang siltation, pero hindi pa rin problema iyon,” ani German.
Inayunan naman ito ni Engr. Froilan Tampincom, pangulo ng Napocor, na nagsabing, kapag malakas ang ulan ay natatangayang mga burak mula sa dam.
Iginiit ni Tampinco na hindi dapat ikabahala ang silation sa dam dahil hindi pa nito naaabot ang mga bunganga ng tunnel na dinadaluyan ng tubig palabas ng dam.
Kaugnay nito, nagkaisa ang pananaw nina Alvarado at Tampinco na dapat apurahin ang pagsasagawa ng pag-aaral sa katatagan ng Angat Dam dahil sa ito ay sinasabing nakaupo sa Marikina West Valley Fault Line.
Ang pananaw na ito ay inayunan din ni Senador Miguel Zubiri na naniniwalang ang mabilisang pagsasagawa ng pag-aaral o feasibility study ay maaaring maging dahilan upang makaiwas ang mga Bulakenyo sa trahedya kung sakaling masira sa lindol ang dam.
Matatandaan na nagpahayag ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology na kung masisira sa malakas na lindol ang dam, ang Bulacan ang unang mapipinsala.
Ngunit sa pananaw nina Alvarado at Zubiri, mas malaking problema ang haharapin kung sakaling magaganap ang kinatatakutang trahedya dahil sa mawawalan ng tubig ang 13 milyong residente ng Kalakhang Maynila na umaasa sa tubig inumin mula sa dam.